Breast milk

4days old today si baby and super bigat na tlga ng dede ko and sugat sugat na nipples ko, baka may tips naman kayo or technique na gawin para lumabas na talaga tong gatas? Di narin nasasatisfy si baby sa nakukuha nya ata kaya every hour naiyak. Send help mga momsh 🙏🏻🥺 #breastmilk #breastfeedbabies

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pa latch mo lang tiisin mo yung hapdi sa nipples mo kusa naman po sya gagaling, lightly massage your b**bs po or light massage ka din sa likod mo wag ka ka po palagay ng oil ha.. inom ka maligamgam na tubig / tamang init pwede na din… if may lampin ka linisan mo lagi yung nipples mo ng maligamgam din na tubig ( basta kaya ng skin ang init po) ganun ginawa ko, baby mo lang din makakapag pagaling nyan. Ganyan ako sa LO ko FTM here.. 3 days pa lang since purebreastfeed kami nagsugat sya tipong napapa atras ang likuran ko pag nag latch na sya then inaayos ko na lang pwesto nya. Para mas makalatch sya ng ayos. 😅 tiis lang talaga sa una. Every 2-3hours ko pa sya napadede nun 1-3mos. Sya then nagbago feed time nya nung umedad na sya ng 4-11mos. Mas magagamay mo na oras ng feeding time nya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

tiis lang po mommy 😊 ako 9 days old na si baby ang now yung nipple ko nag dudugo pa at malaki na ang sugat. pero nainom lang ako ng mefenamic capsule nawawala naman minsan ang skit pag inadede nya every 8 hours ako nainom ng mefenamic yun kasi sabi sakin ng doctor ko. pag mag papadede ako hindo pa sya nadede naiyak na agad ako😅 pero inaisip ko na para naman kay baby to. kaya tuloy lang kahit sobrang sakit. then pag mabigat at masakit na dede ginagawa ko naman nag lalagay ako tubig mainit na may tubig malamig sa bote ng mantika pero mas better kung medyo mainit basta kaya ng balat mo. tapos nororoll ko papuntang nipple yung bote para tumulo yung gatas kasi kaya nasakit at naninigas dahil sa mga namumuong gatas.

Đọc thêm

ipadede nyo po ng ipadede kung di kaya dahil sa pain, magpump po kayo. pwede rin po magtake ng pain reliever. ibufropen plus paracetamol po usually binibigay samin sa UK. pero parang mas gamit ang mefenamic sa Ph. pero kapag po di na talaga kaya at nilagnat or nagchills kayo, magpacheck na po kayo para maresetahan ng gamot baka magka mastitis kayo need ng gamot para maiwasan ang nana, infection po kasi yun magapply rin po kayo ng nipple cream, para masoothe, or yung mismong breastmilk iapply sa nipples

Đọc thêm
Influencer của TAP

nakalabas din ako ng lying in na wla akong gatas, tapos naiwan ko un breastpump ko sa bahay haha 🤣 pero pag uwi ko nag pump agad ako, mangiyak ngiyak tlga ako nung nkita ko ung unang tulo ng milk ko 🥺kasi nanghingi lang kmi ng gatas sa ibang mommy para sa first dede ni baby *kuha ng flat na bulak or tela tas warm compress *use breast pump pag pde na maligo/magbasa *maglagay ng warm water sa tabo tas itaklob and ishake sa suso *pump ulet

Đọc thêm

5days naman ako mamsh..okay naman pag sakin mag latch c baby..nag try din ako mag pump may lumabas pero konti lang.. 😓lalo tuloy ako napagsabihan na baka nga di sapat nadede ni baby sakin..tapos pag kalabas kasi ni baby super tambok ng pisngi..naun ndi na..ang sabi din sakin kasi nga wala nakukuhang milk sakin..sabi ko naman kung wala edi sana iyak ng iyak anak ko..db mga mamsh? hayyy.. nakakasad lang konti na ung di ka suportado sa gusto mo mangyari..😥

Đọc thêm
2y trước

icontinue mo lang mie. Pagdating naman doon sa tambok na pisngi ni baby,normal lang po un sa bagong panganak. Tinanong ko din po sa doctor namin if ganun talaga,ganun nga daw. Normal lang na bumaba timbang nila sa 1 to 2 weeks pero after noon ay magstart na siya tumimbang. Tsaka if feeling natin na hindi nabubusog at napansing parang walang nakakain si baby ay oke lang din po un. Maliit naman sikmura ni baby at busog pa daw sila kasi galing sila sa atin,kaya din po mataba pisngi hehe. Basta mag unli latch lang po kayo with baby para mas maiganyo pa lalo ang katawan po ninyong magproduce ng milk.

Supply and demand po ang breastmilk natin Mommy. Alam ng katawan natin ang amount na need ni baby per feeding. Mabigat po sa pakiramdam pag di po na ddrain, minsan dahil din po sa clogged milk duct. Ipa feed niyo lang po kay baby. Regarding naman sa sugat, ipa air dry niyo lang po. Wag titigil sa pagpapa latch kay baby kasi siya din makakapag pagaling niyan. ☺️

Đọc thêm

I remember those days na masakit ang nipples ko...tiniis ko talaga..kasi sabi naman ng OB ko, okay pa naman si nipples..kailangan lang icontinue latch...pero tingin ko, nakatulong din ang pump ko...dahil mas lumabas si nipple, at dumali ang pagdede ni baby...tapos yung massage the breast saka yung paghot compress...effective sya sa akin..

Đọc thêm

bili ka po ng breastpump para may time na mag latch siya sayo and may time na bottle yung gagamitin mo para di ka mahirapan at makapagpahinga ka pa. inom ka ng more than 1 litro ng tubig everyday para marami pang lumabas ng gatas. it works for me, everytime na umiinom ako ng buko juice mas lalong lumalakas milk production ko

Đọc thêm

buy ka po electric breast pump, ako i used mine 2-3weeks ata then nung napansin kong medj malakas na milk ko tinry ko na ipalatch awa ng dyos umok naman na sya. wag mo po ipressure ng husto sarili mo ok lng na hindi pa makalatch si baby as long as ginagawa mo ang lahat para maging ok ang feeding time that's enough.

Đọc thêm

Mommy yung sakin tinanggal ko yung puti2 sa nipple ko. Parang yun yung lock para maka labas yung gatas. Nong natanggal ko kasi yun lumabas yung milk ko hehe hindi ko pinadede kay baby na hanggang lumabas yung milk. Masakit kasi yun masusugatan pa. Try mo tanggalinga puti2 sa nipple mo. Lalabas na yang gatas mo.

Đọc thêm