2 Các câu trả lời
Depende po yan sa OB mo kung papayag... dapat po kase may indication ang pag-CS. pero pwede mo po yan sabihin sa OB na concern mo, ichecheck nya yan via ultrasound kung okay pa naman si baby. Share ko lang, actually ganyan nangyari saken, hindi din ako naglalabor kahit nagwalking and take na ako evening primrose. 40 weeks na din ako noon. nagpacheck up ako ng Friday, sabi okay pa naman si baby pwede pa maghintay ng 1 week pero sinabi ko din yun na baka magpoop na din si baby.. sabi nya try ko mag antay til wednesday the following week kung wala pa akong mafeel, saka siya magdedecide. eh kaso martes palang nagbloody show na ako ng midnight then lunch time pumutok na bag of water ko taz meconium stained na, nakapoop na si baby sa loob. 😅 ayun nirush ako sa ER a day before ng clinic visit ko sana. balak pa nga ako sana induce labor kase okay pa naman daw heartbeat ng baby ko pero nagdecide kaming mag asawa na magpa CS na lang kasi baka matagalan din paglabor ko, eh nakapoop na nga si baby... kaya ayun, emergency CS.. thank God clear naman si baby at hindi naman nakainom/kain ng poop kase nung sinuction siya, malinis naman. Ako lang yung nag antibiotic. So far okay naman si baby, 5 months old siya today. 😊 I suggest you talk to your OB about your concern, yung saken buti na lang hindi talaga ingest ng poop, eh paano kung oo dba.. kaya valid naman yan apprehensions mo.
try nyo po kausapin momi. Ako naman po 41 weeks and 5 days still no labor, close cervix, ginawa ko na po lahat still no progress. Na observe ko po 2 days straight matigas ang tyan ko though naglilikot naman si baby pero hnd na umaabot ng 10 kicks kaya I decided na magpa ER kahapon at ayon, EMERGENCY CS ako kahapon momi
Karlotta Vinas abendaño