40 weeks ..

40 weeks na akala ko lalabas na sya 😢 excited pa naman ako pero bat ganun,, kailangan bang mag alala ako 😭 please any advice ☹️ ...

40 weeks ..
20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ako nanganak 41 weeks and 5 days , basta wag lang lalampas ng 42 weeks case to case basis kasi yung friend ko 1 month pa due date nya pero naka dumi na yung baby sa loob pero yung baby ko healthy naman kahit matagal lumabas. kahit na lahat ng pregnancy inducing method ginawa ko na lalabas at lalabas talaga pag ready na sya maliban na lang pag may problem sa dadaanan nya , pero malalaman naman yun basta may regular check up ka . 🙏 pray din always ☺️

Đọc thêm

sis, ako sakto 42 weeks nanganak kaso induced labor. no signs of labor, na stock sa 3cm then nung nasa hospital na ko inadvice ako for induced labor pag di nagwork deretso CS. pero by the power of prayers, nakayanan mag normal via induced labor.. super tagal nga lang bago humilab but super worth it.. dec 18 ako nanganak. 2:30pm naadmit, 8pm lumabas si baby...

Đọc thêm

wag mo i stress ang sarili mo. just pray and kausapin mo si baby. reserve mo energy mo para sa labor and delivery. kusang lalabas si baby kapag time na para lumabas sya. as long as na fefeel mo pa movements ni baby and wala kang ibang weird na nararamdaman. ako 40 weeks and 4 days nung nanganak last nov. 24. kaya mo yan and goodluck 😊🙏

Đọc thêm

Mommy be prepared at wag po kau paka stress. May nabasa po ako na mas matagal si baby sa tyan mas nadedevelop pa ang brain nya. Think positive lang po, enjoy nyo lang mga araw na nasa loob pa sya kasi ma mimiss nyo po mga kick nya pag nakalabas na sya. Sabayan nyo din po ng exercise at yoga para bumaba na pwesto nya 😊

Đọc thêm

a week after due pwede manganak. pero punta ka sa OB mo kasi ia'IE ka. tutugnan kung open naba cervix mo or what. kung sakaling hindi pa saka kana mag alala mommy. Wag ka mag alala momsh as long as nararamdaman mo galaw ng baby mo hindi mopo kailangan mag alala☺️

Relax ka lang po mommy, ganyan din ako dati kasi 40weeks and 1 day na wala pa din kahit hilab o discharge, pero isipin mo nalang di naman habang buhay nasa loob si baby,pray lang po, kausapin mo siya na kong ready na siya labas na siya. Nanganak ako 40weeks and 3 days.

Thành viên VIP

ako lumabas c baby ko 40 weeks and 3days. sabi s akin ng ob ko noon ayos lng daw up until 40weeks and 7days heag lang daw umabot ng more than that week.

Thành viên VIP

Kalma lang mommy. Lalabas din si baby. Effective ung pagkausap sa kanya. Saka pray lang. As long as nararamdaman mo ung likot niya, no need to worry.

Ako 40wks and 3days na,no sign of labor pa dn kundi paninigas ng tyan at pagsiksik sa puson.. Sabi ng OB ko pag dpq nanganak this week isched nq for cs..

4y trước

Sana makaraos na tayo mga mami🙏🙏🙏

Thành viên VIP

Same here. 40 weeks and 1 day. Panay hilab at tigas lang tiyan. Waiting nalang kay baby kung kelan nya gusto lumabas. ❤🙏