Good day mga mommies, nag wo worry ako 4 months preggy na ko pero parang bilbil lang yun tyan ko 😥
4 months pero hindi malaki
Hindi ka nag iisa mi 😂 ganyan din ako pa 4 mos na pero parang literal na bilbil lang talaga mataba kasi ako so ayun di halata ng mga tao na buntis ako kasi nasanay na sila na malaki na talaga tyan ko. may one time pa naoffend ako kasi sabi sakin magdiet na daw ako sabi ko ayy di pwede kasi baby na to e. sabi pa ay weeh? haha. ayaw pa maniwala kaloka. pero thank God nong nagpapelvic ultrasound ako normal naman laki nya.
Đọc thêmako din mi 14 weeks na ako pero halos di nagbabago yung tyan ko , nag aalala tuloy ako kung okey pa ba si baby , nitong bago ako mag 13weeks lagi nasakit tyan ko ngayon hindi na panay likod lang.
same2, Ang malaki sakin e upper tummy 😅 di ko pa rin sya nararamdamang magkick. bka sa Ika 20 to 22 weeks pa. Meron lng prang tambol Minsan n di ko alam qng sya ba.
Mag 4months na po yong tummy ko pero ganon parin kalaki hehehe,, dika nag iisa momshie pag busog malaki sya kunti pag wala naman kinain flat talaga tummy ko
Same po tayo, 15 weeks na po ako pero parang busog lang. Pero normal po heartbeat ng baby ko. Sabi ng iba, baka maliit lang daw talaga akong magbuntis 😊
same din po sa akin, nag aalala din ako minsan, pero madami ako nababasa na normal lang daw, hehe lalo't first Preg plang.🥰
pitik lang sa akin minsan nararamdaman ko na may umiikot sa tyan ko dito ko alam kung eme ko ba yun o totoo HAHAHAH
normal lang yan mi, wag po mainip darating dn tyo sa point na lalaki at mahahalata din po yung baby bump naten 😊
same tayo mi halos mag 4months na yung tyan ko parang pero madalas ako maka ramdam ng pitik nya.
same po akoa din 4 months in one day pero may nararamdaman Nako sa puson ko