GivingBirth Experience
#37weeks nanganak na. Due ko dapat october 27 pero nanganak ako October 9. Grabeng experience yun. Oct 5 last check up ko tas sabi 1cm nako nun pag uwi ko ng bahay panay panay sakit na ng puson ko tas halos 3 days din akong nag lalabor nun puro brown discharge lang lumalabas sakin. October 9, 2 AM sobrang sakit na ng tyan ko kaya pumunta na kami hospital pero pagka I.E sakin 2cm palang daw ako kaya umuwi kami. Hanggang sa umabot na ng tanghali ng October 9 sobrang sakit na tas may pattern din yung pagsakit pero walang kahit anong dugo at panubigan lumalabas sakin, again puro brown discharge lang. Bandang 3pm nag punta ulit kami ng hospital kasi dikona kaya yung sakit pagka I.E sakin nag 6cm nako kaya na admit nako. 1 oras din akong umiire kaso ayaw talaga lumabas ni baby, kita na ulo niya ayaw padin doctor nadin nag putok ng panubigan ko pero ayaw talaga sobrang dami konang cut umabot na hanggang hiwa ng pwet kaya nanganak ako ng 10:30pm via Forceps extraction. Sobrang liit lang din ng baby ko 2.400. Sobrang hirap pero pagka kita ko kay baby, sobrang worth it. Kaya sa mga mommy na manganganak this October. Tatagan lang loob. Goodluck po! Galingan nyo sa pag ire

