Stress sa partner ko hayssss

37 wks and 2 days Grabe, kabuwanan ko na ngayon and sobrang stress ko sa partner ko. 1 week na syang di nag wo work tapos wala kaming pera, buti na lng nakapag handa na ako ng mga gamit ni baby at kumpleto na (MY OWN MONEY) opo sarili kong pera, galing sa huling salary ko , sa sss at sa salary advance ko . Ang problema ngayon ung pera ko na pampaanak is naipatabi ko sa byenan ko. Since alm ko kaya nyang palitan at ibalik. At napag usapan na namin ito. Na kapag kailangan ko ung pera pwede ko makuha. Last friday nagpa check up ako, need ko ng BPS at CBC dahil sobrang baba ng dugo ko 60/70 so baka imbes sa lying in ako manganak mailipat ako ng ospital. Sobrang iresponsable ng partner ko. 1k lang pinapakuha ko sa knya sa byenan ko para makapag pa laboratory ako and mbili ung kulang na gamit na need sa lying in . Ayaw nya . At ang reason is baka daw walang pera ang mama nya . So paano pala pag nanganak ako? Ano ipambabayad ko sa clinic o sa ospital . Araw araw pa syang nagtatanong kung manganganak na daw ba ako. Kapal ng mukha magtanong akala mo may ambag . Kahit piso nga wala syang naiambag kahit sa diaper . Sinagot ko pa pambili nya ng bagong vape . Nakakainis sobra .

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sure ka pa ba dyan sa partner mo mi? Parang imbis na matulungan ka, problema pa yan ah. Bigyan mo ng ultimatum. Kausapin mo ng masinsinan. Hindi kamo pwede yang ginagawa niya.