Medical Center Imus

37 weeks na po ako at plano namin sa MCI kami pumunta kapag manganganak na. Kaso nag check kami reviews sa facebook page ng MCI at ang daming bad reviews kaya medyo natatakot na kami ng husband ko. Ang taas din daw ng singil based sa reviews. May Cavite moms po ba dyan na sa MCI nag labor? How was your experience? :(

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Plano ko din po sa MCI manganak ee kasi yun malapit at credited yung doctor ko ng maxicare. Yung OB nyo po ba saan sya ospital nagpapaanak?

6y trước

Hi, mommy Nikki! Nanganak ka na ba? I delivered my baby boy last May 10 sa MCI via emergency c-section. Okay naman facilities nila pala. As for the cost, medyo mahal nga ang fees nila (halos 140k inabot kasi sinubukan pa namin mag normal painless delivery kaso hindi talaga kinaya). I suggest asikasuhin niyo agad ni hubby mo yung Philhealth kasi laking tulong rin yun sa gastos ng operation mo at treatment ni baby. Yung pinaka downside sa MCI ay yung availability ng nurses pag gabi (may instance na wala lahat ng nurse sa floor namin tapos ang tagal namin naghihintay for assistance) at processing ng final bill kasi (di pa nila aasikasuhin kung hindi pa personally pumunta si husband sa billing office). Anyway, if hindi ka pa nanganganak, I'm hoping for a safe delivery for you!