Iyaking newborn
37 weeks na ako ngayon. May kapitbahay kami na bagong panganak at lagi nalang umiiyak ang baby nya. Halos buong magdamag at maghapon rinig ko iyak nya. Di nga ako nakakatulog lalo na pag madaling araw nagigising talaga ako. Tumatayo pa ako malapit sa pinto para pakinggan yung baby. As in gustong gusto kona katukin at ipaghele yung baby kaso diko naman ka close yung kapitbahay na yun haha. Hindi ako naiinis dahil maingay sya e. Na eexcite ako na diko maintindihan. Naiinip na tuloy ako gusto kona makita baby ko. Normal ba na ganun ang baby as in literal araw gabi iyak ng iyak?