LMP OR ULTRASOUND???

36w4days na ako via LMP ko. Sa ultrasound ko 32w6days palng. Ano po kaya susundin ko kasi sure nmn talaga ako sa lmp ko.. nag alala ako baka manganak ako ng hindi pa ready wala pa ipon 😢

LMP OR ULTRASOUND???
8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

From Doc Bev po: PAIBA IBA NA EDD SA ULTRASOUND.....ALIN PO BA ANG TAMA? Madalas tanungin ng patient yan lalo pag nagpa ultrasound kami after 37 weeks nya. Tandaan na ang EDD ay guide lang, diba nga fake news lang ang due date, hindi sya deadline na kelangan na lumabas ang baby. So pwede 2 weeks earlier or 2 weeks after EDD lumabas ang baby nyo kasi nga 37-42 weeks ang term pregnancy at ang EDD ay 40 weeks. SO ALIN ANG TAMA? ang tama or mas malapit sa totoo EDD nyo is ung EDD sa first ultrasound, ideally first trimester ultrasound, yong transvaginal ultrasound pa lang sya. ang mga late ultrasound lalo na ung late 3rd trimester na, ang EDD nyan naka depende kung ano ang age ng baby sa ultrasound, at ung age ng baby depende naman sa sukat nya sa ultrasound. So example, ginalingan mo kumain kahit sinabi ko sayo na mag limit ka na sa carbohydrates. Lumabas malaki sya sa totoo age nya, then mag iiba na naman EDD mo. Or medyo napa diet ka, hindi sya ganon lumaki, ang lumabas sa sukat nya mas bata sya sa totoo age nya, so mag iiba na naman EDD. Wag malilito. Sa mga late ultrasounds, ang tinitingnan lang namin dyan is ung estimated fetal weight, yong grading ng placenta, fetal presentation and ung amniotic fluid. Ok so wala na sana ma stress sa pa iba iba EDD 🙂 hanapin ang first ultrasound lalo na ung TVS pa lang kasi un ang pinaka malapit na tamang EDD.

Đọc thêm

kailan result ng ultrasound na 'yan mommy? mas accurate po reading ng EDD sa ultrasound between 7weeks-13weeks ng pregnancy mo. the rest, naaadjust ang EDD dahil nakadepende sa gestational growth ni baby 'yan. ganyan din dillema ko before mommy, laki agwat ng LMP at ultrasound EDD ko. haha. patuloy niyo lang po check.up with OB, sa final weeks mo naman po iaassess pa naman po niya 'yan. 😊 pray always din po. God bless. 😊

Đọc thêm
2y trước

'Ayun mommy, ang ultrasound mo po ay based sa gestational growth na ni baby. 😊 Magpacheck.up po kayo regulary para po mamonitor. 😊 God will provide mommy. Magtiwala lang tayo sa Kanya. Also, try niyo din po magplan kung saan niyo preferred manganak (lying-in, private hospital, public hospital, etc)... kung within sa metro or probinsya. Pray lang po tayo, and huwag po mastress, relax lang. Nararamdaman ni baby kapag po worried tayo. Lakasan natin loob natin para sa kanila. God bless. 😊

Thành viên VIP

pag ung 1st na utz mo mii is nasa 1st trimester ka, dun ka magbase lalo if transV ang ginawa. ayun ang sabi ni ob sakin. naka 3 na utz na ko, 37wks na kami ni bb ko. hindi sila nagkakalayo ng mga edd. usually 1day lang ang difference.

2y trước

23wks halos 5mons na yan. laki na ni bb ang pagbabasehan sa utz nyan. pero kung sure ka sa lmp mo, dun ka mag stick. kung nagbigay sila ng edd na based sa lmp mo mag add ka lang or magbawas ng atleast 2wks. start na kayo mag-ipon ni hubby mii. ☺️

Thành viên VIP

Anong edd mo sa 1st utz mo nung 1st tri? If lagpas 1wk difference sa lmp, 1st utz sundin mo mi. Wag ka mag base sa latest utz kasi based na un sa size ni baby. Di na accurate for aging

2y trước

That's the downside pag late na nakapag utz. Di na talaga ganon ka accurate yung fetal aging by then. Hanggat maari dapat sa 1st tri pa lang.

Mas okay Momsh if tinanong mo ang OB mo. Usually kasi the Ultrasound (Trans V during first trimester) is the more accurate one.

Same miii😔 hindi alam kung ano ba talaga 2 weeks diff sa lmp at ultra ko

2y trước

dba. kasi sa pangalawa ko mag maaga ung 7 weeks palng saka sa lmp ko 8 weeks na sya sa ultrasound

36weeks1day n po ako Mii kaso ala pang IPOn 🥺

Post reply image
2y trước

Pray lang po mommy, magkakaroon din kayo niyan tiwala lang 🙏

Ultrasound sis