Signs of labor

36 weeks and 5 days na ako, sinabihan ako ni ob na pwede na daw ako manganak. May tumutusok na sa kiffy ko pero nawawala din, sumasakit balakang nawawala din at ngayon parang natatae na may tumutusok sa pwet ko. tumitigas tigas tyan ko at tumatabingi tyan ko kasi si baby magalaw sya. malapit na po ba ko maglabor? share kayo ng experience nyo mamsh. ang naranasan ko lang noon yung pain nung nakunan ako. #labor

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganto din palagi araramdaman ko tas kahit umupo may tumutusok sa kiffy ko at minsan utot2 hirap nadin i tulog kahit sa left o right side masakit tas midnight ang sakit ng kiffy ko na parang may nakabara o lalabas subrang sakit tas mawawala 34weeks pregnant

2mo trước

ganto din ako nung 34 wks tinanong ko sa ob ko normal daw maramdaman dahil napwesto daw si baby sa birthing canal. pero ngayon nadagdagan nararamdaman ko na parang najejebs at sa pwet naman may tumutusok

YUNG HINDI KANA MAPAKALI SA PAIN. YUNG CONTRACTION NIYAN UMIIKOT NA SA BUONG BALAKANG AT BANDANG PUSON MO, TAS NAKAKARAMDAM KANADEN NG PAMAMAGA NG KIFFY OR MABIGAT NA SA PAKIRAMDAM.

2mo trước

Bilang nalang yung mga galaw nya

Thành viên VIP

ganyan din naramdaman ko bago ako manganak, tapos may time na natatae ako, malapit na po yan mommy. Goodluck po. 1week or 2weeks makikita muna baby niyo po.

2mo trước

thank u sis 🥰

labor sign ko ay feeling na nadudumi na hindi nawawala then persistent contractions. palapit ng palapit, pasakit ng pasakit.

2mo trước

sakin, walang feeling na may tumutusok.