Yes mommy, normal na makaramdam ng paninigas ng tiyan sa 35 weeks dahil puwede nang Braxton Hicks contractions. Pero kung pati kiffy mo parang kumikirot o may pressure, puwede rin kasi bumababa na si baby at naghahanda na ang katawan sa labor. 😊 Ang importante, kung regular na ang paninigas (hal. every few minutes), palakas nang palakas, may pagputok ng panubigan, pagdurugo, o nabawasan ang galaw ni baby, huwag nang i-assume na normal lang - magpacheck agad sa OB o labor and delivery. ❤️