Medyo mahaba haba pero Mommies I need your advice please(public, infirmary, private hospital)
34 weeks na ako ngayon and hindi parin kami nakakapagdecide ng hospital na pag-aanakan. Our first choice is yong public hospital dito sa amin pero dahil mataas na naman covid positive sa amin(MECQ kami ngayon) tapos don sa public hospital na yon mostly dinadala yong mga covid positive po. So natakot kami, inalis nalang namin si public hospital sa choices. Tapos madami nakagsabi sa mga bad experience sa public hospital na yon. Btw, fully vaccinated na ako/kami ni Mister. 2nd option, si Mister gusto nya sa infirmary ako manganak para medyo tipid. Kasi pag may philhealth wala daw po babayaran. May doctor din naman doon. Pero my OB said na dapat daw sa hospital manganak pag first baby. Bawal na daw sa lying in o ano mang paanakan. Pero ini-insist ni Mister na sa infirmary nalang kung normal delivery lang naman daw. Pero natatakot kasi ako. Alam mo yong anxiety mo na what if ma emergency CS ka, kasi kahit pa okay mga ultrasound mo pero may mga instances kasi diba na, baka matagal lumabas si baby tapos naubos na yong panubigan mo(na sana wag naman mangyari). Tapos babyahe pa ng 20-30 mins sa ibang hospital. Kaya ako gusto ko sana manganak sa hospital na affiliated yong OB ko, which is private sya. Sabi ni doc nasa around 40-50k pag normal then x2 pag CS. May ipon naman konti pero hindi sapat pangbayad pero kaya naman magprovide sana thru Loan. Sabi ni OB ko hindi kita pipilitin manganak sa mga hospital kung saan affiliated ako basta sa hospital kalang manganak ki public or private yan. Naiintindihan ko si Mister sa pagtitipid, kasi sana magagamit din namin panggastos kay baby yong pera pero yong anxiety ko na what if may mangyari sakin, panghihinayangan mo yong 40k pag wala na ako. Call me OA pero hindi ko po talaga maiwasan mag isip ng ganyan. Now, need ko ba ipush na sa private ako manganak? Para ma persuade ko na si Mister. Need your help po. #firstbaby #pleasehelp #pregnancy