NEED ADVICE ASAP
30 weeks & 3 days pregnant ako mga mummies totoo po ba hndi na pwdi manganak sa lying inn clinic pag 1st baby. Complete prenatal na ako sa lying inn. Nalilito na ako saan akoa manganganak hospital or lying in. ?
May private OB talaga ko at may sarili sya hospital pero I doubt na sa kanya ako magpapaanak. Medyo mahal kasi ang package saka mostly CS sya sa mga patients. So nagpacheck din ako sa Midwife na kamag-anak namin na may sarili din lying-in. Plan namin mag trial labor at pag hindi kaya sya daw mismo ang magdadala sa akin sa partner hospital nya. Kahit di ako nagpapacheck up sa hospital na pagdadalan nya sa akin, tatanggapin ako kasi may record ako kay Midwife like labtests and ultrasound. Saka ang maganda pa, ihihingi pa daw nya ko ng discount. 😂 Kaya medyo kampante din ako sa oras na gusto na lumabas ni baby... Okay naman sa lying-in, di lang sila tumatanggap ng below 18 years old saka 35 years old and up for first time mommies. Risky daw kasi mga ganyang age sa pregnant mommies sa lying-in.
Đọc thêmPwede naman sa lying in.. As long as wala kang complications.. Lahat ng anak ko sa lying in ko pinanganak. Syempre gusto ng hospital sa kanila ka manganak kasi sayang yung kikitain nila if ever. Tska sasabihin naman sayo ng midwife if hindi ka niya kayang paanakin or if may problem sa progression ng labor mo. Papatransfer ka nya nun. Tska mas ok sa lying in hands-on ang midwife sau.. Unlike sa hospital dami nyo sabay2 nanga2nak di ka na napapansin.. Tska yung ibang doctors specially public bara-bara gumalaw kala mo nagpapaanak ng baboy.. Nakita ko yan nung nanganak mama ko sa bunso namin, bitbitin yung baby kala mo tuta lang..
Đọc thêmMaam effective sept 1 2019 bawal na manganak sa lying in pag first baby. Nasa batas na
Mas okey po momshie sa Hospital kase alaga ka ng OB mo...sa lying inn po masasabi kong hindi doktor ang magpapaanak sayo midwife lang tapos hahayaan ka lang na.lakad lakad hanggang lumabas ang bata...nsabi ko po yan.kse nagpacheck up din po ako sa lying inn dati tapos ngkataon na may manganganak..hinahayaan lang po nila...may mga midwife nga pero di sila nakauniform.saka ka lang kapag aasikasuhi kapag labas ng bata...mas okey po sa hospital..
Đọc thêmBaliktad po ata. Sa ospital po mas napapabayaan, and isa pa may mga professional doctor na po sa lying in
Mommy para sure na safe kau ni baby mo. Pwedi ja nmang manganak sa lying inn pero hindi mo kasi masasabi kasi first baby mo yan. Wala kang totoong idea kung pano manganak.ako kasi nun gusto ko sa lying inn lang pero nag kaproblena ako after 8months kaya pina transper din ako sa hospital. 10 hospital ang tumanggi sakin nun. Kaya sobra akong nadala
Đọc thêmWala naman pong sinabi sakin yung midwife na bawal manganak sa lying in pag 1st baby. Ang alam ko lang po ay bawal kapag midwife ang magpapaanak. Dapat kasi doctor. Ehh may ob naman po sa lying in samin kaya walang problema. Ang problema lang kapag nagkaproblema sa oras ng panganganak, no choice kundi ilipat sa hospital.
Đọc thêmkasi ako tinanong ako ng doctor sa center kung sa lying in or hospital ba daw ako manganganak, sabi ko sa lying in cguro. wala naman cla sinabi na need sa hospital manganak pag first baby. ang sabi lng nila, need lng na may record ka sa hospital para in case, need ka ilipat ng hospital, may record na cla sayo.
Đọc thêmAlam mo sis mas ok sa lying in kasi mas mamomonitor ka nila at maaalagaan ng maayos; ako i gave birth to my first baby sa lying in lang sobrang na satisfy ako kasi sa isang bed ikaw lang mag isa hindi gaya sa hospital lalo ma kapag public sa isang bed matik na 2 or 3 kayo magkakasama
Yung lying in dito, bawal na nga daw ang G1 or frist baby dapat OB na ang titingin at sa ospital talaga. Pero, if they really insist and want na sa lying in talaga maghanda lang ng pambayad kasi pang private na yung price and bayad sa PF ng ob. Estimated ng kanya ay 15k plus 3k sa newborn.
Ako lying in din 20k ang normal private kasi.
Nako sis sa hospital ka nalang para mas alaga ka, saka dapat OB talaga magpaanak sayo kasi first baby yan e.. based sa experience ko sa lying in ako pero tinapon din nila ako sa hospital after ko mag labor ng 24hrs.. mas kumpleto dun kasi gamit sa hospital kung sakali may complications
What's the difference? Wala naman nagavoid sakin before when I gave birth to my first child. Lying-In yun and its safe kasi the place is really clean. And now, for my second baby choice ko pa rin same place manganak. It's up to you kung saan ka mas komportable ikaw ang dapat masunod.
Kakalabas lang po kasi ng memo this august. Pwede sya pero di na sasagutin ng Philhealth pag ftm ka tapos nag lying in ka.
Dreaming of becoming a parent