5 Các câu trả lời
Ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ Kung talagang konti lang ang output ni baby, then icheck ang latch ni baby, make sure na naka-DEEP LATCH sya para efficient ang pagkuha nya ng milk sa breast. Also remember that babies don't latch only for feeding but for comfort as well. Kaya nga naimbento ang pacifier to replace a mom's breast/ nipple which gives babies comfort ☺️ Since 9 months silang nasa comfort ng tummy natin, naninibago pa sila ngayon sa outside world na maingay at being with mommy, feeling your warmth and hearing your heart beat is the most comfortable place to them. I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
ganito den sentiments ko nung una mommy kasi gusto ko talaga sya patabain at mabusog agad. May Growth Spurts ang mga baby naten, meron den silang frequent feedings a day its normal at hindi naman pala ko low supply kaya iyak ng iyak at gusto dumede ni baby. nakabisado ko iyak nya pag dede, kabag or burp . At ang breast natin nag aadjust yan sa need ni baby supply and demand po Always take your post natal vitamins, eat healthy foods, drink water paden tuloy lang mommy at iwasan ang stress para sa magandang supply.
i-monitor mo po output ni baby, pag madami naman siya wiwi at may poop lagi meaning nakakadede siya ng maayos. hindi lang po gutom ang cause ng pag-iyak ni baby, i-check mo kasi baka kinakabagan na dahil madami na nadede or baka iniinit o nilalamig.
true po
try mo kumaen wholegrains oatmeal with yogurt skn effective na boboost nya ung milk ko anyways pure breakfeeding ako
baka po iba ang reason Ng pag iyak nya. check niyo diaper, o kaya baka mainit o nilalamig Siya.
Anonymous