3 days after giving birth sa bby girl ko, nalungkot ako dahil konti lang lumalabas na gatas sa breast ko. Natuyo na rin mga labi ni baby. Nakakadepress. Pero tuloy pa rin ang pag inom ng sabaw, pag ulam ng malunggayat manok, and water .As in lots of these.( Sa tulong ng mom ko)
On the fourth day, I thank God kasi sumisirit na yung gatas ko . Nababasa rin harap ng damit ko lagi ?❤️ My Little one is now 14 days old at nag eenjoy siya sa gatas ko. Pinapump ko rin madalas kasi ang daming naiipon ❤️
Kristal Oliveros