37 weeks 1 day 2cm
2cm na po ako kaka IE lang kanina. Kelan kaya ako manganganak pag ganyang 2cm na? Haha tsaka ano po mga need gawin para mas mapadali manganak? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy
Hi mommy, in my case 2cm 1st IE ko and after my checkup I push myself harder on walking. Takot kasi ako ma CS. 😁 Thankfully nag active labor ako kinaumagahan and i was 5cm already when we went to the hospital. After 4hrs of active labor in the hospital, I gave birth in normal delivery. 😊
pwede din this week lng ohh bka mamaya depende po sa kilos mo sakay kapo motor para matadtad or walking walking lng pero pag may discharge ka na dugo maliit man o Malaki ung dugo po na parang buo o ung may sipon takbo kana po sign na un lapet kana manganak o mag labor
Yun nga po balakang at puson po pakiramdam na nahilab o tinutusok na masakit o makirot mawawala po sya ilang minutes babalik wag nyo po hintayin na pumutok panubigan nyo Dyan sa Bahay nyo punta napo kayo sa ob mo mas maganda Kasi kung putok panubigan mo andun kana sa aanakan mo kasunod Kasi nyan pag pumutok panubigan baby napo !! Chaka maganda kung andun kana po ayos lng nmn kung darating ka sa lying in o hospital Ng mga 7cm atlist di kayo matataranta pag pumutok panubigan mo mas maganda pati tuturuan ka Ng midwife o ung doctor kung pano diskarte Kasi pag nag labor masakit po talaga magagabayan ka pa nila pero may iba Kasi matagal mag labor umaabot pa Nga ung iba Ng 1week Lalo na kung 1to 2cm pa din Kasi pag pumunta ka ob mo IE ka ulet nyan bka tumaas na cm mo pero pag Hindi papauwiin ka nyan at bibigyan Ng payo para matadtad !! Kasi 2cm ka pa lng pero kung ganyan na pakiramdam mo indicate na nag lalabor kana po!
manood ng youtube.. pero pinaka the best is Breathing technique.. please remember... bawal hingal aso.... deep breath lang lagi para di maubusan ng hininga...
more walking sis and squating 1-2 cm na dn aku kanina lng may nalabas na parang sipon na may dugo gudluck satin mga momsh have a safe delivery🙏🙏🙏
same here po mi..may mucus plug b din ako and 2cm na kasoy d pa nahilab
Hindi p din po masakit lang pero wala nmn paghilab
2 cm po ako after 3 hours I gave birth
pag may presence na ng blood mommy oras nalang hihintayin mo, yung iba kasi walang blood kaya inaabot pa sila ng kinaumagahan bago manganak. pero kung may blood ka po lalabas na talaga si baby
37 weeks and 1 day din
Mommy boy o girl po si baby?
Mas maaga po ba naglalabor kapag boy ang baby?
masakit pu ba ma ie?
A proud momma of 2