3 Các câu trả lời

Ganyan din ako kaselan ngayon 9w3d lahat nalang sinusuka ko ultimo saliva ko nasusuka ako. May history ako ng hyperemesis gravidarum sa 2nd baby ko at heto parang naulit pero this time nilalabanan ko. pag di talaga okay pakiramdam ko sinusuka ko parang reset hindi ako iinom ng water after suka. ipapahinga ko tapos may malaki box ako ng skyflakes pang neutralize ng metallic taste sa bibig ko. Kadalasan hydrite ang tubig ko. small frequent feedings ng mga pagkain alam kong ok sakin. trial and error para malaman mo yun mga triggers. Minsan pagkain ko rice at lakatan pag super nauseated ako. as in bland food. cold water tapos naka straw. minsan gamit ko wooden spoon kasi na cringe ako minsan sa metal na kubyertos. Ganito talaga pag 1st trimester sobrang nag aadjust ang katawan sa changes lalo nasa edad ko na 39 high risk na. Fit naman ako at nagmomotor pako before ako mabuntis wala sakin yun bigat ng motor ko at mga physical activities. pero nun nabuntis ako jusko po ganyan ako halos wala akong magawa sa bahay. buti at nakakapag work pako sa gabi wfh naman. hirap talaga hopefully pag 2nd trimester natin eh gumaan na pakiramdam. Palagi pala pako sinisikmura as in every minute of everyday.

Omg same na same tayo run sa pati laway sinusuka, sinisikmura and sa walang magawa. Bed rest talaga :( Sana kayanin natin to mommy 🥺

sobrang selan ko din now sa rainbow baby ko , ayaw ko din ng amoy ng mga niluluto kahit sinaing lang lalo na pag amoy malansa , hindi ako umiinom ng tubig kasi nasusuka ako kaya delight lang lagi iniinom lagi din ako sinisikmura halos mayat maya. ang ginawa ng asawa ko bumili sya ng B'LUE na bottled water para may flavor at yun nagustuhan ko at nakakainom na ako tubig nung hindi na nakakabili hinaluan ko nalang calamansi yung tubig ko 🙂 simula nun parang nabawasan na din pagkasensitive ko sa mga pagkain at hindi na din madali masuka

Same tayo mi kahit amoy ng sinaing nasusuka na agad ako. Hirap pero kapit lang 🥺

tiis lang talaga mamsh, lilipas din yan. it's all bec of hormones po. by 2nd trimester mababawasan or mawawala din po yan. ngata ka ng ice chips or eat crackers po para sa nausea mo.

I’ll try this para maiba naman. Thank you huhu 🥺

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan