MASELAN MAGBUNTIS

26/1st pregnancy Anyone here na nakaranas ng experiences ko ngayon? 6 weeks preggy ako dinugo ako and naconfine sa clinic with pampakapit. Bes rest ako for a month. Accdg to the staff maselan daw ako magbuntis. 10 weeks na ‘ko ngayon and wala pa ring pagbabago. All day sickness, hilo, sakit ng ulo, nausea, vomiting, masakit buong katawan, laging pagod. Kahit cravings and vitamins ko sinusuka ko. I tried diff candies para hindi masuka pero ganun pa rin. Kahit tubig sinusuka ko. Ang dami kong naaamoy. Ayoko ng amoy ng nagluluto sa bahay pati ng tubig so hirap ako maligo. I am so sensitive sa smell. Nakakapanghina everyday. I love my baby and I feel really guilty kasi hindi ko ma-provide ‘yung nutrition na need namin plus wala akong mahelp sa bahay kahit basic household chores kaya lagi akong stress at naiyak. Nakagawa ako ng paraan na whenever I’m eating sinusundan ko ng sip ng coke kasi its the only food na I’m really okay kaso bawal naman sa’min ni baby. I don’t know what to do anymore although I’m doing my very best. People said its normal. Any encourangement or advice mga mommies? I want this 1st trimester to pass na :(

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din ako kaselan ngayon 9w3d lahat nalang sinusuka ko ultimo saliva ko nasusuka ako. May history ako ng hyperemesis gravidarum sa 2nd baby ko at heto parang naulit pero this time nilalabanan ko. pag di talaga okay pakiramdam ko sinusuka ko parang reset hindi ako iinom ng water after suka. ipapahinga ko tapos may malaki box ako ng skyflakes pang neutralize ng metallic taste sa bibig ko. Kadalasan hydrite ang tubig ko. small frequent feedings ng mga pagkain alam kong ok sakin. trial and error para malaman mo yun mga triggers. Minsan pagkain ko rice at lakatan pag super nauseated ako. as in bland food. cold water tapos naka straw. minsan gamit ko wooden spoon kasi na cringe ako minsan sa metal na kubyertos. Ganito talaga pag 1st trimester sobrang nag aadjust ang katawan sa changes lalo nasa edad ko na 39 high risk na. Fit naman ako at nagmomotor pako before ako mabuntis wala sakin yun bigat ng motor ko at mga physical activities. pero nun nabuntis ako jusko po ganyan ako halos wala akong magawa sa bahay. buti at nakakapag work pako sa gabi wfh naman. hirap talaga hopefully pag 2nd trimester natin eh gumaan na pakiramdam. Palagi pala pako sinisikmura as in every minute of everyday.

Đọc thêm
2y trước

Omg same na same tayo run sa pati laway sinusuka, sinisikmura and sa walang magawa. Bed rest talaga :( Sana kayanin natin to mommy 🥺

sobrang selan ko din now sa rainbow baby ko , ayaw ko din ng amoy ng mga niluluto kahit sinaing lang lalo na pag amoy malansa , hindi ako umiinom ng tubig kasi nasusuka ako kaya delight lang lagi iniinom lagi din ako sinisikmura halos mayat maya. ang ginawa ng asawa ko bumili sya ng B'LUE na bottled water para may flavor at yun nagustuhan ko at nakakainom na ako tubig nung hindi na nakakabili hinaluan ko nalang calamansi yung tubig ko 🙂 simula nun parang nabawasan na din pagkasensitive ko sa mga pagkain at hindi na din madali masuka

Đọc thêm
2y trước

Same tayo mi kahit amoy ng sinaing nasusuka na agad ako. Hirap pero kapit lang 🥺

tiis lang talaga mamsh, lilipas din yan. it's all bec of hormones po. by 2nd trimester mababawasan or mawawala din po yan. ngata ka ng ice chips or eat crackers po para sa nausea mo.

2y trước

I’ll try this para maiba naman. Thank you huhu 🥺