Stupid friends

21 ako 23 na boyfriend ko mag kakababy na kami manganganak nako ngayong july. Na open ko messenger ng bf ko nakta ko group chat niya old friends... Nakita ko send ng send ng picture ng girls dun sa gc na yun pero wala naman kinalaman bf ko dahil diniya pinapansin. Nairita ko nag message ako dun sa gc sabi ko "makita ng girlfriend ko to hahaha" and the stupid reply from his friend "may anak na kayo dina dapat mag selos yan" for real? As a friend kailangan ganun?, Tanong lang mga mamsh hah tama bang kaibigan yung mga ganun? They are sending random pictures ng girls na dinaman alam nung mga babae na pinag pipyestahan na pala sila tapos ganun pa? Ok lang kaya i leave ko sa group chat asawa ko mahirap na kasing ma impluwensyahan pa eh.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

dati ang dalas namin mag away ng asawa ko, reason ? hilig ko magbasa sa messenger niya, yung mga di naman dapat pagselosan ginagawan ko ng issue, pero siguro nagsasawa din tayo, mauumay kana lang na inaaway ko asawa ko ng wala namang dahilan. Madalas ko mabasa GC nila na puro gaspangan about girls sumasagot din siya pero deadma lang ako as long as wala naman siyang tinatago saken, at di siya nawawalan ng time saken. okay lang. hehehe. Pag aawayan niyo lang po yan normal na sa mga boys mag usap ng ganiyan.

Đọc thêm

Hala! Alam ba niyang pinakelaman mo yung messenger niya at nagmessage kang ganun? Dont make a move muna po. Much better sis, kayo muna ni mister mo ang magusap. Sabihin mong ayaw mo ng mga ganun or hindi ka kamo komportable sa mga ganun, hayaan mong siya yung kusang umalis sa group. Kung kilala mo talaga ang mister mo, kahit anong impluwensiya pa yan, kahit anong tukso pa yan, kung talagang tapat sayo yan, wala kang dapat ipagalala sakanya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

better po leave mo na siya sa gc na yun kung hindi naman pala niya pinapansin may karapatan ka naman po gawin yun kase nga hindi tama yung nabasa mo pero syempre mahalaga pa rin mainform mo si partner para aware siya na hindi ka masaya sa mga nababasa mo mamsh. its okay wag ka paapekto sa ganun kahit anong sabihin nila ikaw ang mas nakaka kilala sa asawa mo. 😊

Đọc thêm

Hala sis alam ba nya na naopen mo messenger nya? Ok lang ba sa kanya yan? Kasi may mga lalaki talagang ganyan ang behavior tulad ng friends nya. Pwede mo syang sabihan pero explain mo muna bakit mo naopen messenger kasi labas nun wala kang trust at pwedeng pwede nyang sabihin na hindi naman nya kinikibo. But don't judge him by the way his friends behave

Đọc thêm

Actually momsh mas bastos pa magusap ang mga boys kaysa sa ating mga girls siguradong nagpapapansin yang girl. Much better magusap kayo ng bf mo sabihin mo na hindi ka comfortable sa pinaguusapan nila sa gc at may papansin haha saka mo ask kung ok lang na ileave yung gc.

Thành viên VIP

Kausapin mo nalang po and tell him what you feel regarding dun especially now na magkaka baby na kayo. Panu pa if girl yung baby nyo diba, he should know and dapat magkusa na sya mag leave. Baka pag awayan nyo pa pag ikaw nag leave sa kanya e.

Nako sis ganyan din husband ko na iimpluwensyahan ng mga kaibgan nya pero syemprw may sariling Pag iisip naman tong asawa ko. minsan na iimpluwensyahan sya minsan naman hindi

STUPID may mga ganyan pala kahit may anak na respeto naman hays kausapin mo yung Bf mo sis para aware sya

Thành viên VIP

leave gc muna po tutal hnd naman na pinapansin ng bf mo ung gc. para hnd kna mastress.