Huwag mo paluin mommy mas lalong lalala yan. At normal sa 2 years old ang ganyan. Sabi nga “terrible two” dahil sa edad nyan sobra ang tantrums at sinusubukan nila ang lahat. Pasensya lang talaga. At pag sinabi mong hindi panindigan mo yan kahit maglupasay pa sila sa iyak. Dapat firm ka sa rules mo ng hindi siya ma confuse. Oo nakakairita ang iyak pero walang namatay sa iyak. Dahil kung pagbibigyan mo siya sa gusto niya sa susunod nyan dadaanin ka sa iyak palagi. Hindi pa kasi fully develop ang frontal lobe ng utak nila at hindi pa nila kaya mag express ng emotions kaya dinadaan nila sa tantrums. Mag search ka paano maiwasan ang tantrums marami yan sa net ang dami mo matutunan. At ang napapansin ko sa mga pamangkin ko pag sobrahan sila sa screen time dyan lumalala ang tantrums nila at super hyper. Good luck po. 16 months na ang baby ko kaya hinahanda ko na sarili ko sa ganyan. Hehe’ kaya nagbabasa na ako kung paano ihandle yan. So far ok pa naman ang baby ko behave pa.
Wag mo idaan lahat sa palo,dahil hindi din nakakabuti. Ako i have 2 years old din,pero mula ng nakakaintindi na si baby lagi namin kinakausap, Ok naman,kulang lang po siguro kayo ng pagkausap ng maayos,wag po palo. Habaan ang pasesya,bata po yan hindi katulad natin matanda na at mas my isip na,
Kausapin mo and ipaliwanag sa kanya mga bagay na mali na ginagawa nya,in a nice way para hindi nya kalakihan,the more na hinahayaan natin,akala ng bata tama ang ginagawa nya dahil hindi nasisita.
Sa experience ko po e dapat pagsabihan ang bata at the early age na dapat ndi sya ganun. Na ndi lahat ng bagay e makukuha nya.
Sa experience ko po e dapat pagsabihan ang bata at the early age na dapat ndi sya ganun
Pag umiyak hayaan mo titigil o magsasawa dn sa kaiiyak yan..