HUSBAND'S ATTITUDE

2 years pa lang kaming mag-asawa. Pero 7 years kaming mag bf and gf. Just want to know if may naka experience din ba sainyo nitong mga nararanasan ko ngayon. Recently, nagkaroon kami ng argument ng husband ko sa daan while he was driving. Hindi na kami nag iimikan by that time na magccross siya sa street. At all of a sudden nagulat na lang ako sa intersection ay bigla na lang halos banggain niya ang Jeep at mga motor sa pagmamadaling makatawid ng kalsada. If hindi ko siya sinigawan, I dont know saan kami ngayon napunta. At hanggang makauwi kami mabilis ang kanyang pagmamaneho, imagine niyo ang kaba ko dahil kasama ko pa ang aming 1 year old baby. Actually sa totoo lang, hindi ito ang first time na pinakitaan niya ako ng ganitong ugali. Even before we are bf and gf stage pa lang. Hanggang kinasal kami at pinagbuntis ko si Baby. May mga instances na talaga na hindi niya macontrol anger niya. At dahil forgiving ako at mahal ko, naaayos at naaayos pa din namin. Kapag hindi naman kami nag aaway, he's so loving naman. Pero this time iba ang naging epekto sakin dahil kasama ko ang anak ko. Natakot ako. Wala akong ibang mapagsabihan about this kasi ayaw kong mag iba ang tingin sa kanya ng mga taong nakapaligid sa amin. See, I am still protecting him. But how about us? Tama ba yung ginawa niya? Kasama niya kami pero kaya niyang ilagay sa alanganin ang mga buhay namin. Please advise if I need to seek intervention from my family (parents or siblings) or Mother in Law. I need help. I think nattrauma na din ako everytime nag aaway kami. #advicepls #pleasehelp # #firsttimemom #firstbaby

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Talk to him as calmly as you can. Ipa intindi mo yung side mo. Make him known na yung action nya ay Hindi maganda dahil na in danger kayong pamilya nya. And next time sa bahay na lang kayo mag argue or sa bahay mo na lang sya i confront wag na pag nag da drive sya . Kung hindi ma solve raise it sa families nyo.

Đọc thêm