Hello po, nung nanganak ba kayo normal delivery e may cut talaga kayo? O ang iba wala? Nakakakaba.
ako po normal delivery may tahi din po ☺️ maliit lang . Pero ung iba umaabot sa may butas ng pwet Pag medyo malaki ung baby at Hindi marunong umiri .sakin naramdaman ko ung tahi medyo masakit Kasi bilis lumabas ni baby 10mins lang kakaturok pa Lang ng anesthesia 😅 Pero Okey Lang Naman mas masakit pa rin ung labor isa pa excited ako Kasi hawak ko si baby nun ☺️ inom Lang ng pain killer after Kasi dun mararamdaman ang sakit ☺️
Đọc thêmHi. Normal Delivery. May tahi ako. Hindi ko naman naramdaman na hiniwa at tinahi kasi naka anesthesia. At hindi ko rin naramdaman yung injection kasi mas masakit yung labor 🤣 Naramdaman ko lang yung sakit ng tahi after mawalan ng bisa yung anesthesia at nung umuwi ako nakalimutan ko bumili ng painkiller na prescribed.
Đọc thêmYes meron depende din gaano kalaki yung cut lalo na pag sobrang laki ni baby. Yung akin nasa 3rd degree tear siya kaya sobrang sakit after manganak. Masakit pag umuupo.
Ako Po normal delivery po ako s first baby ganun din Po may tahi din ramdam ko sya kase walang anesthesia na tinurok sakin Ang pinagawa Lang sakin ire Lang daw
Normal delivery po may tahi din ako pero wala na po yun after niyo po mailabas si baby di na masakit para sayo yung tatahiin ari hahah mas masakit talaga labor
Me po. Normal delivery. 2.9 si baby ng nilabas pero mejo mahaba naging cut ko😅 yung iba di nagkaka cut lalo pag maliit si baby
sakin, mas masakit pa Yung tahi kaysa labor Po... haha laki ng hiwa Po sakin tsaka walang anesthesia. 😭😭😭
Depende daw po kasi sa laki ni baby yun mommy. Ako po normal delivery 3.3kg si baby ko my tahi po ako
normal delivery den ako pero diko ramdam na hiniwa ako ska tinahi mas masakit tlaga mag labor
Ako din po may cut pero di ko naramdaman na nagcut sila 😊masakit kasi yung labor.