paghihilab
1st time preggy po ako at kabuwanan ko na din po, ano po ba yung pakiramdam na humihilab na ang tyan? at yun mga sign po na manganganak na?
Naku! Napakasakit momshie di sa tinatakot kita pero yan ang katotohanan. Habang nagshoshorten ang time intervals ng contraction mas lalong tumitindi ang sakit gumagapang sa buong balakang. Eto tip since first time mo, pag pumutok na panubigan mo at palabas na ang bata wag kang ere ng ere para d ka mapagod. Isabay mo ang pag ere mo sa contraction para mas mabilis lumabas ang bata. Tip yan saken ng dati kong kapitbahay na midwife. Pinapaere ako ng ng pinapaere ng midwife na nagpaanak saken dati, nag aaway kami kc sabi ko teka lang d pa nga nasakit tyan ko. Nong humilab uli sinabayan ko ng ere ayon ang bilis lang lumabas.
Đọc thêmCongrats u will see ur lo soonest..masakit balakang..pag me water leak (panubigan) manganganak kn tska pg ung sakit tuloy tuloy humihinto lang ng ilang minuto be ready ng mgpa admitbs hospital o lying in...or dugo k lumabas its a sign of labor..😉
Sa umpisa parang may dysmenorrhoea ka tapos pagmalapit na yung tipong 8cm na parang natatae ka na yung lbm yung feeling na hilab tapos yung balakang mo ngalay na ngalay parang nagbuhat ka ng sako sakong bigas sa likuran mo.
Sa umpisa para kang may mens... Tapos humihilab na para kang nagtatae... Tapos pasakit ng pasakit hanggang hindi ka na makatayo at hindi na maipinta ang mukha mo sa sakit...
Ung hindi kana po makangitit Sa sobrang sakit ng puson or balakang. Ung akala ko hihiwalay katawan para maging manananggal..😄
Congrats and be safe. Pray lang at kausapin si baby wag ka pahirapan. Inhale exhale lang pag nag contract or humihilab.🙂
Yung parang sakit ng tyan mo pag natatae ka,ganern pero x10 yun sakit tapos every 5mins interval😆
Kpg po my dugo na lumabas o panubigin at naninigas ung tyan tapos parang natatae pa
lagi naninigas ang tyan..hirap makatulog
Maraming salamat sa mga answers momsh