APAS mommy+Incompetent cervix with cervical cerclage 4th pregnancy /24 weeks

1st MC 8 weeks D&C 2nd MC blighted ovum 8 weeks no heartbeat waited almost 1 1/2 month to pass naturally but ended up D&C with the help of laminaria 3rd MC 20 weeks baby premature, my baby angel 4th 24 weeks currently admitted dito sa Quirino Memorial Medical Center dahil naglabor na ako kahapon, dinugo na had to stay in Labor/Delivery room for 24 hours kasi nakacervical cerclage ako nung march 4, kung magtutuloy contractions need tanggalin may gamot pampastop ng contractions at iniinjeckan every 12 hours na steriods na gamot pampamatured ng lungs ni baby. Thankful nagstop contractions ,stable na vital signs namin ni baby. Okay ang cerclage pero under observation parin. Sobrang stressful na financially,emotionally,mentally,physically at spiritually. Since Nov nang nalaman na buntis ako after 1 year na pagpapaalaga nagleave na ako sa trabaho complete bed rest gumagamit lang bedpan. May support system salitan ang mother ko at mother ni hubby sa pagaasikaso, sa gabi si hubby after work. 1500 daily maintenance na gamot plus weekly 3000 para sa check up at ultrasound at cervical lenght assessment. 7 times na naER dahil sa mga bleeding, 3 times na admit sa hospital una nagbleeding 14 weeks 3 days nagstay kasi nagcocontractions na, 2nd had to undergo cervical cerclage at sobra umiksi cervix ko 22 weeks 2 days nagstay sa hospital at 3rd kahapon march 17 at hindi namin alam ilang araw dito at sobrang daming gastos said na said na ang perang inipon namin for this pregnancy kasi di namin akalain na sobra dami gagastusin.( Naggagamutan ako ngayon para pangstop ng contractions O paghihilan dinadaan sa swero at bumigay na kanang kamay na ugat ko namamaga sonbra at naka 4 dose narin ng steroids pampamatured ng lungs ni baby sobra sakit ang pagiinject kusang gumagalaw muscle ko sa braso pati ang nurse nagugulat ) Napapagod na ako, nababaliw na ata ako, grabe anxiety ko, grabe takot ko pero nilalaban namin para kay baby. Tumatanda na kami wala pa kaming anak. Napakawalang kwenta ng katawan ko hindi man lang kayang magbuntis ng normal. Nakakaguilty, nakakakonsensya napakahina ng katawan ko. Please pray for us na sana umabot man lang si baby hanggang 28 weeks (7 months) kasi 6 months palang siya(24weeks) ngayon hindi pa pwede hanggat maaari. Marami magiging problema :( Nakakalungkot kung sino ang gustong gustong magkaanak,readyng ready na magkaanak pahirapan bago makuha. May iba na pinagkalooban ng anak, smooth ang pregnancy walang problema pero pinapabayaan ang anak. NapakaUnfair ng mundo Pakiramdam ko wala akong kwentang asawa at ina kaya nangyayari to. Sa sobrang bait maalaga at understanding ng asawa ko lalo ako nakokonsensya kasi anak lang hindi ko maipagkaloob sa kanya :( Andito ako sa Quirino hospital pa need to stay in private room para sa close monitoring alam ko bagong gastusin nanamam to naaawa na ako sa asawa ko .

7 Các câu trả lời

hello mommy.. kamusta ka po ngayon? ako first mc ko po ay 14 weeks at netong June 4 lng ay lumabas baby ko at 23 weeks.. ultrasound ko ay 1.9 cm length ng cervix ko which is sabi ng ob ay hindi normal at diagnose ako ng incompetent cervix. nakakalungkot lng kasi hindi pa complete ang medical facility dito sa province namin. kung sana ay merong ob or doctor expert re cerclage pwede pa sanang masave baby ko. lumabas si baby ng buhay at umabot ng 2days.. inilipat sana namin ng hosp na may magandang facility outside province namin kaso di tlaga nakayanan na ng heart nia..

ang galing niu po, nakayanan mo po lahat2.. at thanks God naman po at ok si baby niu. praying for you and ur baby's health mamsh 💖 sana soon ipagkaloob na sa amin, gustong gusto na namin magkababy din, asawa ko pa naman din ay seafarer kaya maghihintay ng ilang mos bago makabuo ulit (sana)

mii gnyan na gnyan ako.. 2x na ako nag preterm labor dahil sa IC. di ako nacerclage sa 2nd ko kc its too late na dahil bulging na ung water bag sa cervix.. mii ang masasabi ko lng plz tibayan mu loob mu.. ilng weeks na lng mailalaban mu pa si baby.. sobrng nkkpanghina, nkakadrain pero pra ky baby laban.. its worth the pain afterwards. tama ka napakawalang kwenta ng katawan ntn di man lng kaya mag hold ng full term pregnancy, kung sino pa gusto magkaanak , sila pa ung hnd pinagkakalooban.. pero ikaw mii may magagawa kpa pra ky baby.. laban lng..

sali ka sa GC me ng incompetent cervix PH. dun mu mlalaman na hnd lng tayu nag iisa.. mas marami pang mas worse pero nakaya.. kapit lng

Tama ka mi napaka unfair ng mundo. Nabasa ko tong post mo di ko maiwasan di magcomment dahil dun sa isang post na nabasa ko recently about abortion(catheter procedure which is illegal). Di nila alam na may mga katulad mo na sobrang hirap ang pinagdadaanan para makapagsilang ng buhay sa mundong to. Sobrang nakakalungkot lang. Hugs mi. Ipagkakaloob din sa inyo yan. Praying for you and your baby 🙏

oo nga po napakaswerte nila sana sakin na lang ipagkaloob ang binigay sa kanila para di na need gawin yun though may mga valid reasons rin ata sila. Thank you po mii. Hirap na hirap na talaga ako emotionally. Thank you po 🙏

2times premature labor both 23weeks parehong patay year 2017 & 2019. Currently pregnant @27 weeks 🙏 Hndi ko alam mommy if bakit ako nag premature labor noon, hndi naman ako diagnosed na incompetent cerv. and wla rin akong APAS. Bedrest at napakaraming pampakapit yung maintenance ko since 1month pa tummy ko. Sana para satin nato 😭🙏

hello po. lumabas na po si baby 7 months lang po. sobrang liit niya 1 6kg siya now. pinapalaki nalang namin katulong ang neonat at pedia niya po

prayers for you mommy and your precious baby 🙏❤️ sana maging ok po kayong dalawa 😢🙏

Thank you po sa prayer❤

praying for you and sa baby mo mii🙏 Sana makaraos kayo laban lang po ☺️

praying for you and for your baby mamsh! 🙏

Thank you po ❤

Câu hỏi phổ biến