burping/paglulungad
1month old na baby ko, everytime na mag feed sya pinapaburp ko, nakakapag burp naman, kaso lumulungad parin si baby medyo may buo buo na konti, normal lang po ba kay baby yon? After burping maglulungad? Or na overfeed ko po sya? Pero sya mismo nagtatanggal sa dede ko.
Breastfeeding ba o formula milk niya? kung formula kasi pwedeng allergic sya sa milk kaya hirap yung tyan nya. ganyan yung sa amin kaya pinalitan ng pedia nya yung milk nya. pagkapalit ng milk, day one palang di na sya naglulungad.
Pwedeng naooverfed na po. At that stage din kasi clingy pa si baby. Puro kain tulog lang alam nya kaya tendency di nya nararamdaman na busog na sya. sidelying nalang pag iibaba na sya
Ganyan lo ko. 2mos na siya pero nasasanay nalang ako hahah😅 kaya minsan nag aamoy lungad na din ako🤣 wag lang para alugin si baby. Tamang sway lang.
Normal lang naman momsh na mag burp ang baby. Madalas nangyayare yan pag nasobrahan sa pag inom si baby or, usually pag naaalog yubg baby ganun.
parehas po tayo ganun din po yung baby k
normal lng mamsh ..
yes po