Pa help naman po nga Inay, yung ex live in ko po kasi kung mag sustento samin 1k sa 1 buwan, 2 po anak namin. At twing nagpapadala po siya madalas galit o labag sa kalooban niya
1k a month para sa 2 anak kong babae, twing bday nila swerte na kung mag padala ng 2500. Lagi niya nirarason sakin is wala siyang trabaho. Simula't sapol hindi talaga siya nag kusang mag bigay sa mga anak namin. Pero panay inom at gala niya. Nanay nya lang po ang nagbibigay samin. Tapos ngayon tinatakot niya akong hindi na siya magbbgay samin. Ano po kaya dapat ko ipakaso sakanya, wala pa din siya trabaho hanggang ngayon at umaasa sa nanay niya. Ayaw daw nya mag trabaho yun ang sabi ng kapatid niya sa akin. Hirap na hirap na po ako lalo nagpupumilit siya na kunin sakin mga bata. Hindi ko nmn kaya ibigay to lalo may bagong kinakasama na siya at may anak na din sila. Pa help po mga inay, salamat ng marami.

