Oo counted yan! Yung vibration-like na feeling na yan ay isa sa mga unang paraan na mararamdaman mo ang kilos ni baby, especially since anterior placenta ka, ibig sabihin naka-harap ang placenta sa harap ng tiyan mo kaya mas muffled o iba ang dating ng movements compared sa ibang preggy. Sa simula kasi, hindi pa siya yung malinaw na kick na parang tinatampal, mas parang flutters, bubbles, o vibrations muna bago maging mas distinct habang lumalaki ang baby mo.