Gusto ko lang i share

13 weeks nako hirap na hirap pa rin ako sa paglilihi hindi kuna kaya naiiyak nalang talaga ako nawawalan nako ng lakas 😭 # #Hirap 😭

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako maghapon magdamag sobrang hirap pag tulog lang Ako ngiging okay at pag nagising ganun na nman.Ultimo tubig nlang sinusuka ko pa feeling ko din parang may bilog na nkabara sa lalamunan ko at npakalagkit Ng laway ko Kaya mayat Maya Ako dumudura ,katabi ko na Ang arinola dahil every 5 second Ako kung dumura Kaya sumobra Ako sa payat napakaselan din Ng pang Amoy ko lahat ayaw ko, shampoo toothpaste pati bawang at mga pritong isda .. pero pagka 4months ko nagingbokay na lahat nkakakain na Ako at nwala na lahat Ng masamang pakiramdam.. Kaya mo yan mhie Ako nga nkaya ko sa 3 anak ko na same lagi Ang pakiramdam at Ngayon pang apat na at manganganak na .. gudluck sayo Kaya mo yan .

Đọc thêm

mi halos lahat nmn po dumadaan sa ganyan stage laban lng po😊❤️ kain ka po Ng saging may nabasa q sa YouTube para maibsan kaht papano ung pagsusuka nyo po.. or mag search ka po sa YouTube kung anu pwede Gawin sa 1st trimester.. sa 1st baby q 6month naglilihi pa q up to now sa 2nd baby q Ganon pa rn 6month to 7months.. lakasan lng ng loob po para Kay baby kakayanin natin,,❤️ ngaun kabuwan q na waiting nlng po Kay baby no. 2 pray lng po🙏❤️

Đọc thêm

Same feeling po, umiiyak nlang din ako sa hirap ng paglilihi. 17weeks po yung pinaka last na suka ko. Yung ginawa ko cold water iniinom ko then I added B-complex vitamins medyo nag improve yung pagsusuka ko. Iwas din sa pgkain na malakas ang amoy kasi nakakatrigger po yung amoy Lilipas din po yan, pakatatag ka lang po find things na makapagpapaligaya sayo like watch happy movies, listen happy songs...

Đọc thêm

normal lang po sya mi, nung nasa 1st tri ako umiiyak na ako kasi hinang hina na ako wala akong gana kumain, if kakain ako sumusuka ako lagi di ko na alam dapat ko kainin para di masuka mahirap kasi walang gumagabay sa akin, sobrang pumayat ako, ngaun awa ng diyos medyo lumalakas na ako kumain and super dalang ko na lang din masuka 17 weeks na po ako now and ftm. malalagpasan mo rin yan mi ❤

Đọc thêm

Normal lang yan momi konting tiis lang malalagpasan mo rin yan. Ako natapos paglilihi ko ng 2nd trimester sobrang hirap rin ako kasi lahat ng kinakain ko sinusuka ko naiiyak nalang rin ako momi pero nung nakalagpas ako sa ganyang stage naging masaya naman yung naging pregnancy journey ko. Isipin mo nalang si LO paglabas niya magiging worth it lahat momi :)

Đọc thêm
Influencer của TAP

lakasan mo lang loob mo mi at inumin mo pa rin mga vitamins mo. galing din ako jan naiiyak nalang ako pero now nakakabawi na, wait mo lang mag 2nd trimester ka makakabawi ka rin. if sobra sobra na pagsuka mo at di kana makakain halos, inform ur OB na din kasi pagka ganyan ma dehydrate ka nyan para mapayo nila pwede mong gawin.

Đọc thêm

ay normal lang yan. ako hanggang 15-16weeks suka ng suka at hilong hilo. tiis at lakas ng loob lang tsaka dasal yan. kung susuko, wapey mangyayari sayo. wag negative ang pumapasok sa katawan ramdam yan ng baby. kakasabi mo ng sdi mo na kaya baka pati baby mo bumigay.

ako mi gang 6months nga, lahat Ng kinakain ko isusuka ko, halos lahat ayaw Ng sikmura ko, naiiyak narin ako minsan non, sinasabi ko nga sa Asawa ko na suko nako, pero iniisio ko parin si baby, more fruits nlang ako gusto Ng sikmura ko,

Normal lang yan. Sakin tumigil paglilihi at pagsusuka ko nung 20weeks nako sobrang hirap din dahil ang selan ko lalo sa amoy makaamoy lang ako ng ayaw ko grabe na yung suka ko hilong hilo din ako dati sa twing nagsusuka

same tayu..pero pagtuntong ko ng 14 weeks unti unti n nawala..kya mo yn di k nag iisa,ngayun 19weeks nko grabe din morning sickness ko my araw tlga wala ako kain grabe pinayat ko..