Payat si baby ko😔
13 months na si baby ko mula pagka baby hindi sya tumataba. Nakakainis pag napapansin sya palagi. Andami ko na naitry n gatas ung iba mamahalin pa pero ganun padin. Ano kaya dapat ko gawin. 8.5 lng timbang nia nakakasad para sakin. May ganto din ba case sa inyo? Please answer 😔 ano kaya gagawin ko#1stimemom
Same here My LO 1yr and 5mos. kinukumpara ng father ko sa anak nya na 2yr old na. at since birth at formula milk. parang ayoko mkinig na weak at payat anak ko sa weight na 8kl or something kc di sya sakitin unless nag iipen or nanibago sa panahon. Kumpra naman sa anak nya na sakitin at meron pa ata serious sakit na need ipagamot. Think positive lang pero pag my sakit need dalhin pedia or gamutin. wag pabayaan dyan na mssbe na hindi ok c baby.
Đọc thêmBaby ko mag 2mos na pero hindi sya kasing taba gaya ng ibang baby na chubby cheeks, chubby na mga braso at binti. Dko pinapansin as long as healthy si baby at walang sakit wag ka mg worry mamsh kase normal lang po iyan may mga baby/bata po talaga na hindi tabain. Mahalaga po healthy ang baby mo 😊 wag mopo pansinin ibang tao hindi sila healthy sa mind.
Đọc thêmMay ganyan po tlaga mommy.Ung panganay ko din habang lumalaki sya,pansin din nmin na hndi sya katabaan,pisigan daw kung tawagin. Pero super active nman nya at malusog. Hindi nman po pare-pareho ang growth ng mga babies. As long as you provide his needs and hands on ka being mom,walang masama. Dont blame yourself mommy😊💗
Đọc thêmhindi naman pagiging mataba ang basehan kung healthy ang isang bata. as long na within normal range ung weight nya according to his age wala ka dapat ipagalala. at ang mahalaga hindi sakitin. wag ka pastress sa mga mema na tao. ke mataba o payat anak ko may masasabi yang mga yan.
try nyo po nutri10 plus sa mercury nabibili .. yan po vitamins ng anak ko na sobrang phikan sa pagkain at payat din po .. sa dami po ng vitamins na inirecommend sa knya yan lang po tlga ang tumalab 😊 ngayon po my mataba na sya tapos gumana pa sa pagkain
Same sa panganay ko. Dumating pa sa point na hindi sya nag gain at all. Pinagpedia sure kami ng pedia nya, di agad gumana as in tataba agad. Pero habang lumalaki sya palusog ng palusog. Ngayon di na mapigilan. Okay lang yan mommy, babawi din yan pag mejo lumaki laki pa.
same tayo sis. pure breastfeed c baby Nung una mejo nainis ako kasi lagi nalang pinansin ung timbang nya. bakit daw ang payat tapos laging kinocompare sa ibang babies. Nung nagtagal d ko nalang cla pinapansin. Atleast d sakitin c baby. saka sobrang sigla naman nya..
ganyan dn baby ko, 10months 8kgs ngayon, andami ng binigay na vit ng pedia nya kc dapat raw yung gnyang age eh siksik sa muscles. naubos n nya mga vits nya pero payat p dn anak ko.. hinayaan ko n,hindi naman sya sakitin at maliksi naman kumilos.
ok lng Yan momshie Basta hndi sakitin baby boy mo .cguro kasi lumalaki na sya kya ganyan katawan nia hndi pataba pataas sya 😊 my mga Tao tlga na pakialamera Basta my masabi lng wag mo na lng cla pansinin Basta healthy c baby mo
Ganyan dn po anak ko momsh payat lng. According naman kay pedia basta hndi underweight, hndi sakitin at hndi matamlay walang dapat iworry kasi minsan dahil sa genes na po tlaga nya yun. Dedma nyo nlng mga nagsasabi na payat sya.