DUVADILAN QUESTION

11 weeks may hemmorage pa din ako at lumaki sya halos 1 month na ako nka bedrest at halos mag 3 mos na akong duphaston, dinagdagan ni doc ng duvadilan ang gamot ko isabay ko kay duphaston 😭 pero 2 hrs after ko mgtake ng duvadilan ambilis ng tibok ng puso ko nanlalata ako at antok na antok at gutom na gutom di ko alam ang uunahin ko kung kakaen ba o matutulog ulit. Ask ko lang nkaka palpitate ba tlga si duvadilan? grabe kase yung bilis rinig na rinig ko sa tenga ko para ding ang init init ko 😭 sa mga nag duvadilan po jan nagpalpitate din po ba kayo? Ayoko kase ng feeling na ganon e...2 weeks pa naman sya reseta saken huhuhuh... hindi na maexplain ni doc bakit di nawawala ung hemorrage ko although wala naman akonh bleeding or cramps at uti closed din naman ang cervix ko based sa IE. 😭 Please needs advise po about duvadilan, itinuloy nyo pa din ba kahit nagpapalpitate kayo? 3x a day kase sya sken e...

DUVADILAN QUESTION
21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Same nagtatake din po ako duvadillan for 1week lang , after kc ng last ultrasound ko mababa po kc placenta ko. pero sabi ni OB niresetahan nya ako nyan para lumambot ang tyan ko ,kc naninigas during check up. Last day today ko inumin, pero parang same pa rin napansin ko kapag nakainom ako ng maraming malamig na tubig o kaya after meal dun tumitigas upper part ng stomach ko. Kaya humihiga nalang ako ng may mataas na unan after meal nawawala sya. Wala naman po ako palpitations. Nakakapraning sabi ng OB ko possible na ako for CS, kasi high risk daw ako dahil sa low lying placenta ko. Diba magbabago pa naman po yun 21weeks palang po ako sa ngayon. And advised Bed rest and stay home until delivery day😞

Đọc thêm

nag take ako.ng duvadilan nung unang dalawang buwan ang tyan ko 3 times a day kasi lagi akong may spotting halos linggo linggo . pero ngayon umiinom lang ako nun kapag masakit ang puson ko o kaya pag may spotting ako pamparelax kasi yun ng matres at pampakapit kay baby kasi may myoma ako . pero sa awa ng diyos halos d na ako nainom ng duvadilan 29 weeks preggy here😊

Đọc thêm

normal lang po yong ganung side effects nya mami, kasi ganyan din ako dati, kaya ginagawa kopo naglalagay ako mataas na unan na halos parang nakaupo nako matulog. Kasi pag mababa unan mo para kang malulunod na hirap makahinga. Kaya itaas mopo unan mo hanggang sa likod para maayos ung daloy ng paghinga mo.

Đọc thêm

Nung pinag take din naman ako ng duvadilan kala ko mamamtay nako HAHAHAH sobrang tibok ng puso ang bilis nya sobra yung wala ka namang ginagawa maghapon tas pag uminom ka ng duvadilan biglang natibok ng napaka bilis ng puso ko HAHAHAHAHA siguro ganyan side effect nyan

side effect nya yan sis .. ako din, duphaston, duvadillan at heragest.. 3x a day lahat yan kaya grabe dn ung panghihina ko pag umiinom ako mga yan prang nasusuka na ewan. ako since 7weeks until now 13weeks yan parin ang reseta ng OB ko. pero next check up dw iba na

Same sakin Mi, side effect talaga palpitations. Although mag subside naman sya, uncomfortable lang talaga bilis tibok ng puso tapos lakas ng kabog. Inhale exhale lang mi, ako 3months ko na iniinom nasanay na lang din

gnyan din ako mami, sinabi ko yun sa ob ko and tinigil ko. nag stick nlng ako sa heragest. ayaw ko din kc nagpapalpitate. pinayagan din naman ako ni ob na stop ung pag take

ako niresetahan ako ng dupahaston pero hindi ako buntis para saan ba ang duphaston kase nung nagpa chec k up ako sa OB may reseta dupahaston at quatrofol na folic acid???

sken nmn 1month &halfmonth ako nag take ng duvadillan..take mo xa after mo kumain. wag mo xa isabay sa mga vitamins mo..so far wla nmn ako naramdaman na gnyan.

Thành viên VIP

hindi po ako nagpapaltipate sa Duvadilan. from the start hanggang bago ako manganak iniinom un once a day. tell your OB the side effects mi