Ay, ganyan talaga pagdating ng teething stage, mama! At 10 months plus, normal lang na affected ang appetite niya lalo na kung sore ang gums, at picky din sila pagkain when they're uncomfortable, a few of us moms noticed na kapag teething, mas gusto ng babies ang soft or cold stuff lang, or mas prefer pa rin talaga ang breastmilk kasi comforting. Since pili lang ang gusto niyang kainin, siguro okay pa rin sya if heavy ang intake nyo sa breastmilk for now, pero I'd suggest checking with your pedia just to make sure he's not in pain or may underlying issue, para ma-rule out din any other concerns at ma-guide kayo ng doc on solids during this phase.