Buhay may asawa
1 yr na po kami kasal ng asawa ko, alam ko sa sarili ko na hindi pa namin kilala isa't isa nung kinasal kami dahil 3 months lang kami nung kinasal kmi dahil nabuntis nya ko. Okay naman pagsasama namin pero nung nanganak ako nagbago ang lahat pati pakikitungo ng mil ko sakin don ko naramdaman na kaya ako inaalagaan para sa apo nya, dun ko naramdaman na di ako parte ng pamilya, naramdaman ko din na inilalayo saakin anak ko siguro kung bottlefeed ako baka di ko na nahawakan anak ko. Tueing tinitignan ko anak ko kapag nagpapadede ako tinatakpan nya mukha ko wag ko daw tignan anak ko kapag nagpapadede ako, may time pa nga na pinatayan nya kmi ng ilaw dahil nagpapadede ako. Gusto nya sya lahat masusunod pagdating sa anak namin. Dumating pa sa point na, galing sa lagnat yung anak namin non pinaliguan nya ng maligamgam na tubig na may alcohol nasunog yung mukha ng anak ko 3 months lang baby ko non CS ako at 1st time mom din ako. Nung lumipat ako saamin dahil naisstress ako sknila dumadalaw naman sila ang kaso yung tipo na nandon sila hawak nila ung bata pero wala naman ako sa paligid nila. One time nagkasipon anak ko, pumunta sila sa bahay pati yung byenan kong lalaki tanong ng tanong saan dw nakuha yung sipon ng bata aka daw nagkakahawaan lang tapos pinagdadamot ng byenan kong babae yung anak ko ayaw nyang ipahawak saakin. Pangatlo, ngayon malaki laki na anak ko nagtatae anak ko sabi niya nag ngingipin lang daw yon 2x na syang nagtatae yung una pinarinig ko na sknya kasi nagtanong yung tita ko kung kelan pa nagtatae yung bata may 3 days na kako sabi kasi nag ngingipin lang dw kaya di ko na muna pinacheck. Tapos sabi ng tita kong nurse ipacheck na tumingin sya saakin sabay sabing ipacheck na daw namin. Kung di pa pala sinabi ng tita kong nurse di sya magsasalita ng ganon e isa din naman syang nurse. Ngayon naman, nagtatae ulit nag ngingipin lang daw yon ako na nagkusa magpacheck kasi kahit asawa ko di nakikinig saakin nagngingipin lang daw yon tapos nagulat nalang sya may ecoli na yung bata. Kahit yung byenan kong lalaki sinasabi na nagngingipin lang daw andami pa sinasabi na buti nalang ecoli lang yan mahirap kung amoeba yan, ganyan lang daw talaga kapag malapit na mag 1 yr old yung bata nagkakasakit. Nung pinacheck na namin sa pedia kasi di gumaling sa center kamusta daw sabi ko marami na pong itlog at nana di sya nakaimik. Nagagalit ako sa asawa ko kasi lagi siyang nakikinig sa nanay nya hinahayaan nya kapatid nya na ipamulmol yung tsinelas ng bata, remote, cp saka halaman tapos hindi lilinisin yung kamay pinagkakalat nya na masyado daw akong maselan sabi ng byenan ko ni ayoko dw ipaapak sa sahig sinasabi ko dw eww gross di daw ako tumutulong sknila pero pag gagawa ako sabinya bantayan ko nalang dw yung bata, di daw ako nagluluto pero di niya magaya yung niluluto ko, kapag nagluluto ako nakasimangot sya at laging inom ng inom ng tubig. Pag pinagsasabihan ko sila tungkol sa bata magdadabog sila at sisimangutan ako. Di daw ako marunong makisama saknila. Nakakasama na ng loob lalo na ngayon sabi ko sa asawa ko di ko na maipagkakatiwala saknila anak ko lalo na sa nangyari sa bata naturingan pa naman kakong nurse tapos ssbhn saakin nag ngingipin at masasabi nalang e kawawa dw at marami pinapainom na gamot. Gusto ko lang mag rant nakakainis na kasi. Ultimo nga mga ninong at ninang nung binyag sya pa namili e sya nag imbita ng mga bisita porket ba ano wala kong trabaho at yung anak nya ang bumubuhay saamin. Saan kapa nakakita na nanay e pagsasabihan yung anak na HWAG IBIBIGAY YUNG 100% LOVE saakin. Feeling ko ayaw nya talaga saakin, yung nangyayari sa anak namin parang gusto na lang patayin e. Sorry pero yun pakiramdam ko.