Share something 🌈
1 y/o palang si baby and i think meron pa din ako POSTPARTIUM. But how can i handle it?‼️ I Share to you. 1 month old si baby nung umuwi kami sa bahay ng biyenan ko. Una its good kasi may makakatulong ako. But a day na lumilipas nag iiba. Naaasar na ako sakanya kasi yung lahat ng ayaw ko yun ginagawa nya lalo na pag hindi nakaharap partner ko anak nya. She give me a lot of stress. Yung super nagagalit nako. Pati anak ko nilalayo sakin. Buysit na buysit nako noon dahil simula mabuntis ako wala naman sya lahat gastos ko lahat ng gmit ng anak ko pinag ipunan ko talaga. Heto pa kasinungalingan pa kinukwento nya. Kaya 1month lang kami doon sinabi ko sa partner ko na uuwi na kami sa amin kung gusto nya sakanila . Maiwan siya . Basta ako AYOKO TALAGA DOON. May times pa na kinakalkal nya gamit ko. For what?? Nung umalis kami doon kwento nya kaya daw kami umuwi kasi ipapabinyag daw si baby at sa amin gagawin . Babalik din daw kami. Hahaha natawa ako kasi kahit anong gawin nila hindi na nila ako mapapabalik doon. Kasi yun ang nagbibigay ng postpartium at stress sa akin. Na trauma talaga ako. Ayoko lang talaga siya kasama. Minsan pumapasyal kami but its enough. Pero yung pagiging plastik at baitbaitan nya . Nakakasuka 🤮 Alam nya naman na ayoko talaga doon at ayoko talaga siyang kasama. Kaya as long as i can ayoko talaga pumasyal doon. Kasi super yung iniwan nyang trauma. Yes mabait sya mabait. But plastik nakakasakal yung kaplastikan at mabait baitan nya. 😸 What i want to say is layuan nyo yung mga taong nagbibigay stress sayo. Find your peace of mind. Masaya ako kahit pagod ako. Pack ng orders pag gabi. Deliver pag may time . Alagaan si baby. Akala ko hindi ko kaya pero i can. Kaya ko at kakayanin ko. Dahil pray lang hindi tayo pababayaan ni papa G sa lahat ng hamon ng buhay 😇🙏 May shop kasi malapit sakanila . And she told me kung pagagawa daw ako ng store dun. I said not yet. Hindi pa kami pagagawa ng bahay malapit doon kasi ayoko talaga.. nagbago na yung mga gusto ko dati. Dahil din sa hindi sya makaintindi. At doon ko natutunan na hindi lahat ng tao may pang intindi. Sabi ko nga sa mader ko "wag mo hanapin yung ugali mo sa iba" And 1 thing i realized family natin ang tunay na magmamahal at susuporta sa atin. Depende siguro sa familya. But for me pamilya ko ang nakaalalay samin sa kahit anong pagsubok. 😇🙏 Just find your peace of mind and dont mind of others.