18 weeks na si baby nawalan ng heartbeat?
1 week ago i was posted here asking a prayer for us my baby dahil humina heartbeat nya. 18weeks na po ako pregnant, when we found out that napakahina na ng heartbeat ni baby nagpanic na ako umiiyak nako first time ako mabuntis at mag 31 na din 2 years namin winorkout na makabuo kami dahil sa condition ko sa matress. unfortunately nung sabado pagcheck ulit ni dra flat na heartbeat nya wala na talaga. sobra kaming nasaktan mag asawa pareho kami umiiyak sa harapan ni ob at hindi makapaniwala ginawa namin lahat napakaalaga ng asawa ko kahit magtupi ng damit namin sya gumagawa para hindi ako mapagod. when my ob advice me na magbedrest bedrest talaga?? pero mas love talaga sya ni Lord mas mapapabuti siguro sya saKanya. masakit pero kailangan namin tanggapin. we still believed that God has a better plan for us. sa ngayon lang doble sakit nararamdaman ko kasi pinapainom pa ako ni dra ng pampaopen ng cervix na pwede daw tumagal ng 1 week before mag open and another medicine para magbleed ako that could be take for another 1 week before sya lumabas sa tummy ko. ? worried si husband sa health ko nakapagpasecond opinion na kami ganun din advice. is there any other way na mapabilis syang lumabas kasi hindi na ako makatulog ??? kinausap na namim sya sinurrender na namin sya kay Lord. ?????
Preggers