Recurrent UTI: 14wks Preg Mommies,merin b dito katulad ko pabalikbalik UTI kht naka antibiotics na?
1 month na ako naka Antibitioc
Ako po pero before pa ako mabuntis, pabalik balik din UTI. Dumating pa po sa point na pabalik balik na lagnat ko which is delikado na dahil may tendencies na mapunta na sa blood yung infection. nagpa-urine culture po ako dun nakita kung ano po yung talagang need na antiboitics sakin. nacure naman po. nung nabuntis po ako pag medyo nakakafeel ako na magkakaUTI, nagbuko lang po ako. almost everyday pa. tsaka po recently nung medyo suspected na may UTI po ako, ganun po uli ginawa ko. buko juice everyday. nung nagpatest na po ako urinalysis, normal results po ako and wala na ako nafifeel na unusual pag magurinate. kung hindi naman po mataas sugar nya, okay lang naman po siguro ang buko juice.
Đọc thêmMeron din ako UTI before na hindi pa buntis at ngayon na buntis na ako may uti din, water theraphy lang po ginagawa ko. Palagi lang akong umiinom ng tubig kaya naging normal nadin sya, tapos pag umihi ka mamii hugas ka palagi tapos ang paghugas niyo po is galing pempem to pwetan para yung mga bacteria sa pwetan hindi pumunta sa pempem niyo po. kasi isa din daw po nakaka uti is yung hindi tamang paghuhugas ng pwerta natin. As per OB sabi din wag mo pinipigilan ang ihi mo dapat pag feel mo naiihi kana umihi kana agad tapos pag gabi maglagay ka ng tubig sa tabi ng higaan mo para pag nagising ka uminom ka ng tubig bago umihi.
Đọc thêmAko mi simula 5mos ako may uti ako hanggang 8mos. Safe naman po yung antibiotic basta nireseta sayo ni ob mo yun madami din akong test ginawa nag pa urine culture din ako then twice a week nag papa urinalysis. Almost 3mos po ako nag gagamot ng uti ko but thank God ok na wala na yung uti ko. Basta inumin mo lang yung nireseta sayo ni ob and more water po then try mo din yung gyne pro fem wash or betadine. mamsh iwas muna sa mga salty foods lalo na mga chicha. :)))
Đọc thêmnagpacheck up ba kayo sa ob? sana ob nagreseta ng ginagamit niyo. delikado mag self-medicate ng buntis ha, lalo antibiotic. dapat kung ano lang ireseta ng ob niyo. nung nag UTI ako, may nireseta sakin na one time lang inumin kasi matapang at isang beses lang siya safe for preggy. pero gumaling UTI ko after nun.
Đọc thêmyes po monitored by OB ko po ako at prescribed nya lahat antibiotics. nag try na din po sya iba brand and naconfine na din ako. as per ob, bawal daw momsh ang buko juice kasi high in sugar daw. kaya more on water 3 liters a day and change po lagi panty 3-4x a day. hays.ang hirap po
Ako nun me 6months preggey Ako nun Ang taas Ng UTI ko Hinde na na save si baby Kasi sa Dami din Ng bacteria nawalan Ng heart beat si baby, now buntis ulit Ako 3months cleared na Ako sa uti at bacteria fresh buko lang iniinom ko tuwing Umaga Wala pang kain effective naman sya.
if recurrent mas mainam po mag pa Urine Culture& Sensitivity dun po kasi makikita kung Anu ang bacteria sanhi ng Infection at madedetermine din kung anong Tamang antibiotic sa bacteria na Yun.. pwede niyo po kausapin si OB tungkol dito . Godbless
try nyo po gumamit ng gyne pro fem wash.once a day lang po then ihalo nyo po sa kaunting tubig.kanawin nyo po dun hanggang bumula at saka po ninyo ihugas sa pempem nyo po.bago po kau matulog change undies din po.ugaliin po maghugas kahit water lang kada ihi then panatilihin pong tuyo ang pempem gamit nlng po kau ng clean cloth.kasi po pag tissue minsan nakakacause dn ng uti dhil may naiiwan minsan n fibers pg wipe natin ng d ntin nmmlyan.wag dn po muna kau ggamit bg panty liners nakka uti din po yun.
hello mamsh, try nyu po uminom ng cranberry juice yung 0 sugar po. super effective po mamsh sa may mga UTI.
Me po, pabalik balik din. Buti na lang weeks bago ako manganak, finally nacure na sya
Hoping for a child