Vitamins, Zinc, Copper, Magnesium, Calcium, Mangenese, Fibre, Vitamin B, Antioxidants, Phosphorus, Selenium, Folate
Ang millet, o dawa sa Filipino, ay isang uri ng grain na mainam kainin ng mga nagbubuntis. Nakakatulong ito sa growth ng placenta, at nakakadagdag rin sa nutrients na nakukuha ni baby.
Maraming amino acids ang dawa na nakakatulong sa recovery matapos manganak. Kaya mainam na kainin ang millet para sa mga inang kakapanganak pa lamang.
Ang mga wholegrains tulad ng millet ay mahalaga para sa mga nagpapasuso na ina. Nakakatulong ito sa breast milk production, at marami rin itong mga nutrients na nakakadagdag sa energy ng mga ina.
Kapag 6 months na si baby ay maaari na siyang kumain ng millet. Mahalaga ang mga grains sa baby dahil ito ay nutritious, at nakakatulong sa development ni baby.