Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Bloody Show 39weeks
Mga moms, ask lang po.. Kasi nong 5days ago, 2nd IE ko po. Na-heads up naman ako ni OB na magkakaron spotting (nong 1st IE). Nagulat lang ako pag uwi ng bahay, medyo madami discharge na pinkish brown na may mucus. Nagtagal sya ng 3days. On the 4th day, back to normal discharge na whitish in color. But today, naging pinkish brown ulit kaninang umaga. Afterwards po, jelly-like na may blood na yong lumalabas. Pero konti konti lang, same amount and frequency ng kapag may usual vaginal discharge. Madalas na rin sya humilab nong mga nakaraang araw, and may pain from pressure sa vagina since last wk pa (eto po yata yong lightning crotch na tinatawag). Share nyo naman po anong experience nyo at kung anong mga sumunod na ganap sanyo nong nagkaroon na ng bloody show. Salamats po
Maternity Clothes
Hi mga mommies. First pregnancy ko po, currently 14 weeks po. Ask ko lang kung anong mga advice nyo about sa maternity clothes. Kasi ayaw ko po sana ng dress, mas prefer ko yong shorts and oversized shirts talaga kapag nasa bahay, and maong pants pag nasa labas. Sa ngayon, hindi pa masikip yong mga shorts/pants ko dahil maliit pa ang tummy at medyo payat lang ako. And i try to position the garterized parts kn may lower abdomen, yong hindi tatama or nakakaipit sa bump. Though ini-insist na ni hubby na bumili na ako ng maternity clothing. Is this the right time po para bumili na, or wait ko po ba muna pag medyo mas halata na ang bump para malaman ang size ng bibilhing mga damit? Thanks po sa mga sasagot.