2 year old afraid of rooster crowing
yung 2 year old ko po panay iyak tuwing nagtitilaok ang manok anu po kaya maganda gawin? yung kapitbahay po namin sobrang daming manok.
Hello. Anak ko takot sa tunong ng motor, minsan tahol ng aso, drill kapag nagaayos ng bubong namin. Una kong ginagawa kino-comfort ko siya. Then vina-validate yung feelings niya at sinasabi ko na safe siya. Tapos pinapakita ko saan nang-gagaling yung tunog at sinasabi ko kung ano yung pangalan nun. Hindi agad-agad nawawala yung takot nila, kaya dapat maging patient, at consistent sa mga sinasabi. Tsaka iwasan sabihin na (example) "Motor lang yan! Bat natatakot ka? Napaka-duwag nito!" Kasi hindi makakatulong para ma-overcome yung fear, kasi hindi naman agad maprocess or maintindihan agad ng utak nila yun. Lalaki ang bata na nagkikimkim ng takot at hindi nagsasabi, kasi iisipin nila hindi valid yung feelings nila hindi reasonable yung takot nila.
Đọc thêmYung sa anak ko, kapag may kinakatakutan sya, ipinapaliwanag ko yung totoo kung ano yun-- ipapakita ko sa kanya at ipapaliwanag. So kahit malakas na tunog ng truck, kulog, may insekto, etc. Usually kapag naiintindihan na nya na wala sya dapat ikatakot ay um-ok na sya. Kahit na ayaw pa nya lapitan o hawakan, hindi ko sya pinipilit.
Đọc thêm
ig: millennial_ina | TAP since 2020