Gamit sa kusina nagsigalawan! 👻
When I was a kid, lagi kami nagbabakasyon sa province. Meron yung time na kaming magpipinsan lang naiwan sa bahay noon, as in kami lang and ang bata bata pa namin that time. Sumapit ang gabi, patay na lahat ng ilaw at kandila nalang ang nakasindi sa kusina. Tapos nung matutulog na kami, magkakasama kami lahat sa isang kama, maya't maya biglang nagsisigalawan yung mga gamit sa kusina. Takot na takot kaming magpipinsan. Ang ginawa nalang namin ay magtago sa kumot at nagdasal. Ngayon malalaki na kami, hindi parin namin nakakalimutan yung pinakanakakatakot na nangyare samin. #MagandangGabi