Rant, mahaba to. FUTURE IN-LAWS

Wala na po kase akong mapagsabihan, nakakapuno lang po kase yung pamilya ng boyfriend ko share ko lang. Hindi ako nag sasabi sa family ko kase ayokong masira siya or family niya pero punong puno nako lahat tiniis ko na. So una unplanned ang pregnancy ko, early teenage pregnancy, LDR kami pero nakakauwi siya samin at nakakauwi ako sa kanila di naman na ko ganon ka bata Im 18 and he is 21. At dahil wala siya akong mag isa umamin sa parents ko tinanggap ng magulang ko, nag adjust pa magulang ko dahil nag request siya na after graduation niya sasabihin sa parents niya pagbubuntis ko and malaki na baby bump ko non, tas suddenly may nadulas sa mama ni bf na buntis ako kaya nalaman biglaan, nagalit mama niya which is normal at dinibdib napaka sama ng loob that time 3 months na ata tummy ko or 4months, my family gave her mama enough time para makapag isip isip pero ni minsan hindi nag approach yung ma pride niyang mama sa mga magulang ko, puro away din kami that time kase inom siya ng inom napupuyat ako kakaintay sa kanya o kaya naman di siya nag papaalam, then nag decide family ko na umuwi muna ko sa family ng bf ko para malaman ko kung anong sasabihin don ng parents niya, umuwi kami don then yung bahay nila is may baba at itaas, sa itaas sila lahat natutulog mama niya, papa niya, kuya niya, at yung dalawang bunsong lalake, sa isang kwarto lang, tas sa double deck si bf ko, sa may ibabang bahay may 3rooms at isa lang nagtatao sa bahay lolo niya, may available na 2 rooms sa baba, okay naman pakitungo sakin kaya lang dun kami natutulog sa taas ng double deck which is wala pang hagdan, kung may isip ba naman sila bat dun nila ko pinatutulog? After almost 2weeks na akyat baba sa double deck at hagdan muntik mag open cervix ko and bumama ng sobra si baby, then may time pa na yung 16yrs old na kapatid niya yugyog ng yugyog ng double deck kaya natatagtag kami ni baby para kaming nasa UV, tas nag MML ng sobrang lakas at ang lakas din ng boses na nakikipag ML sa phone kahit madaling araw na, then yung papa niya naninigarilyo sa loob ng bahay, tas late bumabangon bf ko everytime kase puyat kaya di kami palagi nakakakain at nakakatulog on time, tas eto pa nakakainis, tumawag mama ko kinamusta ko at family ng bf ko, then nakipag usap sa mama ng bf ko, ang bungad ng mama ng bf ko "nakaka moved on naman na" wow lang kase parents ko dapat ang nag momove on sa nangyare tas di naman siya nag approach kahit kelan sa parents ko, and kami din lahat ng gastos ko sa pag bubuntis ko bf ko may trabaho nag aabot naman monthly kahit 3k pang maintain ng vitamins pero overall papa ko ang gumagastos samin, then mama niya pa di maka move on? Eh ako nga binuntis niya nag iisang anak lang ako, umuwi ako dun ng buntis ako di pa alam ng mga lola at tita niya na buntis ako di nila masabi sabi, then eto pa, mahaba talaga to, yung mama niya chineck yung list ng mga gamit na bibilin namin, ayaw kami pabilin ng kung ano ano, may isip naman ako kaya nanuod ako ng mga vlogs kung alin lang kaylangan at nag sesearch naman ako ng mga dapat gawin, so ayon nga syempre first time mom excited ka mamili ng gamit lalo ng ng good qualities feeding bottles kase dun mo ilalagay milk ni baby eh pinaka food niya for the 1st few months up to ilang years, so mitikulosa ako, syempre ako maselan ako sa sarili ko pano pa sa anak ko? Diba? Newborn yun eh syempre and bottles sisiguraduhin mong BPA free at Anti Colic, so may pambili naman syempre nag settle ako ng magandang investment sa bottles yung best quality comotomo at avent may pambili naman kase nag aabot naman papa ko, then nakakastress kase ayaw niya kami pabilin ng feeding bottles ang gusto niya gamitin namin yung bottles na ginamit na props sa games sa reunion na ala namang brand, pinag lagyan lang daw ng softdrinks yun pwede naman linisin, eh di naman namin alam san nanggaling yon tas may tatlong lumang feeding bottles pa ng barney na puno na ng dents at salahula na tignan kase lumang luma na talaga, gusto niya yun ang ipagamit todo pigil at text siya sakin nung nasa mall na wag na kami bibili ng bottles, jusko, tas yung bf ko sang ayon sa nanay niya, tas may time pa na buntis syempre pala cr madalas mag urinate, alam niya na mag ccr ako after ng asawa niya at ihing ihi nako sinabi ko pa sakanya then inunahan ako sa cr at ang nakakabastos pa naligo ng matagal, pano ko ba pakikisamahan yung ganon? Then gusto niya pag nag laba kami ng damit ng baby ibabad daw muna sa zonrox na color safe? Kase sabi ko lalaban nanamin bibili lang kami ng stain soaker na pang baby, pero kontra nanaman siya, gamitin daw kung ano meron, sus ka sensitive ng balat ng newborn tas izozonrox ko damit? Ano ko? Bobo? Edi baka mag cause pa ng rashes yon edi nahirapan na anak ko napagastos pa lalo tas sino lang gagastos papa ko? Sa sobrang isip na mag tipid di na naisip kalusugan ng bata tsaka sa lahat ng tiniis ko sa kanila di nako babalik dun, tas nag bigay ng mga lumang damit gusto ipagamit ko pati yung panjama na nangungutim na sa anak ko eh hindi naman cotton tsaka salahula na, tas yung bf ko masipag naman mabait naman kaya lang pag uutusan bumili pag nagugutom ako di mapabili dahil mainit samantalang papa ko kahit anong init yan pag gutom ako bibili yan kahit anong oras, tas bf ko sabi ng sabi na ang panget ko na daw, ayaw daw niya ng may kasamang panget pag lalabas ng bahay, ang sakit lang din mag salita tas gutom na gutom kana akala nag iinarte ka lang, naiiyak nalang ako sa lahaf ng tiniis ko para sa kanila, mahal ko lang siya kaya di ako sumusuko sa pakikisama sa kanila pero kung ako nga ganun dinanas ko sa kanila pano pa anak ko? Hindi ko na alam pagod na pagod nako umintindi ako buntis pero ako umiintindi, ala pang ginawa bf ko kundi mag ML umaga, tanghali, gabi, madaling araw, pag tapos kumain at kumilos sa bahay ML. Ayoko na nakakapagod na.

51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sis umuwi ka na sa family mo. para kay baby. tutal tanggap naman ng parents mo. kawawa naman baby mo kapag nagstay kapa dyan sa family ng bf mo. sa ngayon sarili mo at si baby ang isipin mo sis. hayaan mo yang bf mo. mas importante kalagayan nyo ni baby. mag open up ka sa family mo. maiintindihan ka nila

Đọc thêm

Kung ano makaka buti sau at sa baby mo dun ka. Mahirap tlga makisama sa byenan lalot d tanggap ang padadalangtao mo... Kung ako sau dun ako sa magulang mo na d nagbago ang pagmamahal sau. Aanhin mo ang asawa mo kung d k nman kayang alagaan NG maayos at d k kayang pagtanggol sa magulang nya...

5y trước

Salamat po, uunahin ko po talaga ang mas ikabubuti namin ng anak ko.

Dun ka nalang sa family mo, obvious naman na ayaw nila sayo, wag mo ipagvsiksikan sarili mo dun ma stress ka lang, feeling kasi nila ikaw ung naging hadlang sa bright future ng anak nila kaya ganyan ka nila itrato. Kung aq ng ganyanin, jusko hindi ako tatagal jan kahit isang araw lang.

Much better bumalik ka nlng sa family mo.. Mas maalagaan pa kayo ni baby mo.. Okay lng sana adjustments sa una, magppsensya ka kc nakikisama ka, pero kapag nagtagal tpos gnun prn hnd na okay un.. Isipin mo ung situation nio ni baby naun.. Un lang.. Wag ka pkstress😊

Uwi ka nlng sainyo. D ko kinaya ung sa taas pa ng double deck tapos inunahan kapa sa c.r manners please? Preggy needs to be a priority for all comfort. Apo naman nla ung dinadala m hnd ibang tao and for ur bf na mukang ML? Useless! Uwi ka nlng. Kainit ng dugo ah!

Ahaaays sis alam mo ako din gusto ko ndin bumalik dati sa tinitirhan ko kaso wala naman ako kasama don, nasa abroad din kasi mommy ko. :( mahirap talaga makisama minsan pag may ugali ang inlaws :( pagpray nlng ntin sis tyaka doon kna lng kay papa mo stress free kapa.

Umuwi ka nalang sa inyo. Ang bastos naman ng pamilyang yan, dapat sa mga ganyan hindi pinapakisamahan. Naturingang lalake yung anak nila kung makaasta akala mo anak nila yung nabuntis. Mas magiging maayos pa lagay mo sa bahay ng parents mo kaya doon ka nalang.

Wow ang tindi ng future in laws mo ha kung ako sayo dun nalang kayo sa parents mo kasi sobrang maistress ka jan lalo na pag nanganak ka lahat na pakikialaman sayo kausapin mo bf mo about sa nararamdaman mo

Uwi kana muna sa inyo sis lalo na buntis ka hindi mo kailangan ma-stress para din safe si baby mo and kapag wala kang makausap sis, sabihin mo lang lahat kay Lord and definitely tutulungan Niya kayo. ❤🙏

5y trước

Hello ma! Pakivisit naman po profile ko tapos paki LIKE naman po yung photo na naupload ko po. Thank you po🥰

First of all, hindi ka pangit. Ang ganda mo kaya. Second, you don't deserve people like them. Hindi family yan. Sainyo ka nalang swear. Mas nakakastress yan pag lumabas baby mo. Uwi ka na sainyo ate 😊