FTM Exclusively pumping
Wala lang share ko lang. May struggle kami sa latching ng LO ko and at the same time feeling ko low supply ako so i decided na mag exclusively pumping ako. Almost 7weeks post partum na ko. Almost 1 month na din in law ko umuwi galing sa ibang bansa so may mga lakad2 sila ng asawa ko kasi nagpapasama kung saan. Naiintindihan ko naman din yun pero minsan nalulungkot ako kasi nasa sacrifice din yung time sana na may katuwang ako mag alaga ng baby at makapag pump ako ng breastmilk. Nagsimula ako sa halos patak2 lang then nakakapag 2-3oz kada pump. Ngayon, down to 1 oz nalang ako. Natatakot lang ako na baka ubos na gatas ko. Nagalaw ko na yung stash ko para makapainom ng breastmilk si baby sa mga araw na halos di ako nakakapag pump. Wala lang feeling ko back to square 1 nanaman ako, ang hirap magpadami ng supply. Nag try nga ko magpa latch ulit. Correct naman latch ni baby pero ang sakit tlga, parang buong time na naka latch sya sakin nakapikit ako sa sakit. Wala naman tlga ako tanong, nagve-vent lang. Kasi feeling ko wala masyado tumutulong sakin e malayo pa naman mga magulang namin. Yung goal ko na maalis namin formula totally parang malayo pa ata mangyari, need pa din magsupplement. Anyway salamat sa pagbasa. Hope okay kayo lagi ng baby nyo ❤️
