Lola and lolo’s girl
Hello VIPs normal lang ba tong nararamdaman kong selos? Kapag nasa side ko kami mas madalas gusto ni Zyel kasama mga lola at lolo niya. Sila yung hinahanap niya lagi. Greatful ako na close siya sakanila ha pero di ko lang mapigilan mag selos kapag snob na ako ng anak ko at dede ko nalang ang habol niya sakin hahahaha tapos tawag niya rin sa mamala niya mama. Siguro nasanay din kasi ako na ako lagi niyang hinahanap oras oras sa buong 15months niya (16months na si Zyel ngayon). Walang sama ng loob nakakaselos lang kasi di na ako masyadong kinikiss ni Zyel at mas pinipili niyang si mamala ang kumarga sakanya. Minsan nga iniisip ko na baka sawang sawa na sakin anak ko kasi ako lang (minsan si daddy) ang kalaro at kaaway niya.