Paano turoan ng mabilis matutong magbasa at magsulat ang isang 6 years old?

Tulongan nyo po ako mga momsh, ang 6 yrs old daughter ko kasi tamad masyadong magsulat at ayaw rin magbasa. Sobrang struggle ko sa kanya mag turo. Grade 1 na sya ngayon at sobra akong nag aalalala kung ano igagrado sa kanya ng teacher nya kapag di sya nagsusulat ng mga activity nila at ayaw nya ring magpursigeng magbasa. Marunong naman syang magbasa ng mga 3 letter words at maiilan na rin syang alam na nasa 4 letter words kaya lang struggle talaga kasi Tagalog ang medium language nila sa eskwelahan, eh Inglesera sya. Kinakausap naman namin sya ng Tagalog kaya lang response nya sa amin ay Ingles. Kaya sobrang struggle po talaga. Sana matulongan niyo po ako.

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

skl ko lang mi. yung anak ko lalake 7 na ngayon grade 2. hindi ko na sya pinag day care pinasok ko agad sa pre elem kasi mag 5 na sya that time. 1st schooling nya never pa sya nag susulat as in. englisero din pero nag tiwala lang ako sa kanya kahit na never ko tinuruan . wala eh na stress at naiiyak lang ako pag tinuturuan ko ayaw kasi talaga nya. yun nga nag taka ako kasi nag chat yung teacher nya best in reader daw sya. nag taka ako kasi never ako nag tyaga turuan sya. tiwala lang sa mga anak natin mi. kung ramdam mo naman kaya nya. lalo na englisera din ang baby mo.

Đọc thêm
4t trước

ganyan din yung naging teacher nang anak ko last year na grade 1 sya. dahil nag bakasyon hindi na sya nag sulat at nag basa sa bahay after nya grumaduate nang pre elem. kaya pag pasok nya sa school ulit lagi ako nasasabihan nang teacher nya na hirap daw sya mag sulat. marunong daw mag basa kaso madalas hindi nakikinig. araw araw ganun halos gusto ko na lamunin nang lupa sa sakit na nararamdaman ko. kaya ganyan din ang mindset ko paano pag bumalik sys nang grade 1 kasi my time na ganun sinasabi nang teacher sa akin. pero nanaig parin ang tiwala ko sa anak ko. at gumawa ako nang ibang way para makinig sya. bago sya pumasok sa school tinatanong ko kung ano gusto nya baon . magagalit ako pag hindi sya sumulat at magbasa. araw araw ganun mi. kaya lagi ako ginugulat nang anak ko pag ka kuha ko nang card nya naiyak ako kasi medyo mataas ang grade nya. never ako umasa na makakakuha sya nang top importante pumasa sya at madami matuto. makakaya mo yan mi. wag ka ma stress. kahit sabihin pa na st

Bukod sa magtiwala sa anak at kay teacher, i-assist pa din po ang bata sa bahay. Marami pong cases na yung bata marunong nang magbasa ng mga basic sight words (3-4 letter words) pero hirap pa din kasi di na-introduce ang phonics. Ang isang bata po kasi ay mahihirapan talagang magbasa kung hindi o tamad magsulat. Sabi nga po sa school, kung anong sulat mo, siyang bigkas mo hehe. I tutored also a student with the same case, bumalik kami sa phonics. Ngayon marunong na siyang magbasa. Based din po ito sa observation ko as a teacher mom inside the classroom 😊

Đọc thêm

pag ganyan no screen time po dapat. Ung panganay ko ang struggle ko sa knya noon is ang pagsusulat. Ang inadvice sa akin noon is pag gupitin ko ng pag gupitin para ma exercise mga kamay at daliri. Ayun effective naman siya, Eventually natutong magsulat ng magsulat na. At ganyn din ginagawa ko sa bunso ko ngayon na kinder. sa pagbabasa naman ,lagi ako nagbabanggit ng mga patinig ,katinig ,vowels sa knya kasi un start nun eh. Ayun paunti unti mjo nkaka basa na. Tyagain mo lng mie ☺️

Đọc thêm
3t trước

Thank you po sa pag advice! Sa totoo lang mahilig po syang mag gupit gupit ng mga papel at saka naglalaro rin sya ng clay. Ewan ko po ba, tamad talaga sya magsulat. Pero magugulat naman ako nakakasagot sya sa mga lessons sa school. Sabi nga po nung isang mommy dito magtitiwala na lang din po ako sa kanya. Pero thank you po sa advice. 🥰

Mie since kabisado nmn nya yung abc. Try mo sa tagalog mie grab ka lng mga files na babasahin niya sa google MARUNGKO i search mo mkikita mo dun na may babasahin siya dahan dahan lng ipakabisado muna sknya yung ABKADA din matuto na siya..always mo din siya i review aftr skul kahit 15 minutes lng until matutuna siya magbasa.

Đọc thêm

Alisan mo ng Gadgets. Tv o cellphone. Tapos bilhan mo ng mga coloring, drawing materials. Wag mo pressure mii ksi lalo lang sila mastress. Ioffer mo lagi na mag drawing hanggang sa ipagaya mo yung mga letters at numbers. Or mag reward system ka, wag mo ibibigay agad ang gusto niya.

Thành viên VIP

ipatutor mo mii. Yung anak ko Grade 1 na ngayon di pa siya ganun karunong mag basa lalo sa Filipino pero ok naman siya sa ibang subject kaya pinatutoran ko