TOTOO PO BA?

Totoo po ba na hindi maganda na magpacheck up sa OB ng maaga? 4 weeks pregnant lang kasi ko nung nagpacheck up ako. di pa nakita. 6 weeks nung nakita na si baby na may heartbeat. then after after 3 weeks nawalan na ng heartbeat si baby. sabi nila di daw kasi okay na maaga nagpacheck up dahil very sensitive pa si baby at nabubuo palang sya,lalo na daw kung may ipapasok sa pwerta (transv). mag wait daw ako ng 2 mos. na delay ako bago pacheck up. di din daw okay na magpost agad sa soc.media pag nalamang buntis dahil nauudlot

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas maaga mas okay po para nakapag take na kayo ng prenatal vitamins nyo. the following day after ko mag PT nagpa prenatal check up na po ako. bale 5weeks na po ako buntis that time

for me, mas maganda nga po momshie na makapag pacheck ng mas maaga as soon as nalamang mong buntis ka. para din malaman kaagad kung sa loob ba ng matris nabuo si baby o nasa labas

mas maganda Ang maaga na mag pacheck up mga ganyan Kasi maselan mas mainam Ng malaman mo Ng maaga para makaiwas ka sa bawal at makainom ka Ng mga vitamins para Kay baby

Para po sakin hindi totoo yun. Kasi mas mabuti nga pong makapagpacheck up para makapagingat na agad at nakainom ng vitamins for baby's development.

Hindi naman totoo yan. Mga sabi-sabi lang po yan ng matatanda. Ako as early as 3 weeks nagpatransv na ako. Ngayon, 18 weeks na po kami ni baby

Thành viên VIP

ang totoo po e nakakapraning maniwala sa mga sabi sabi o pamahiin. mas maganda nga maaga para makapag ingat at mabigyan ng mga needs ng buntis

Di naman siguro. Kasi ako nagpa check up as early as 4 weeks (same procedure nagpa transv din ako) ngayon mag 32 weeks preggy na ko 🙂

Mas okay kung mag papacheck up kana agad Para naiinuman na ng vitamins and pangpakapit. 11weeks ako nung nag pa transvaginal naman.

nope,mas ok nga yong maaga kang nagpacheck up para mabigyan ka ng vitamins and to know ung mga do's and don'ts for preggy.

Thành viên VIP

mas okay nga po mag pa check up ng maaga 5 weeks baby nung nag pa trans v ako at nakita agad heartbeat nya