tiwalang nasira
totoo pala kapag nawala na tiwala mo sa isang tao, bawat kilos nya may duda ka na. minsan hindi mo na din alam kung yong nararamdaman mong kutob, kaba eh totoo pa ba. yong tipong dapat ko ba paniwalaan tong kaba ko or trauma lang to. im 26 weeks now at medyo hirap sa pagbubuntis, hirap makatulog, dagdag pa sa reason kung bakit di makatulog yong kaba ko. pero im fighting the thoughts regarding sa kung may ginagawa na naman syang kalokohan. may part ng isip ko na pagod na sa kanya at sinasabi ko na lang sa sarili ko na bahala na sya kung gagawa ulit sya ng ikasisira namin. may part ng isip ko na layasan namin sya ng dalawa naming anak at kung maghiwalay man kami ngayon habang buntis ako, bahala na. kaya lang ayoko naman madamay mga anak namin. yong panganay namin na 7yrs old, minsan umiiyak sya tapos sinasabi sakin, samin na ayaw daw nya maghiwalay pamilya nya. yong maiiyak ka na lang din pag naririnig mo yon sa anak mo kasi alam mong grabe na syang naaapektuhan. kaya now, no choice ako kundi magtiis.