Thank you mommies!

Thank you po sa mga mommies na sumagot sa concern ko, Ok na po ung baby ko, dinala ko na po siya sa pedia kase nagnana(na infect) na po ung rashes na nagsugat sa mukha ng baby ko. Eto po, napagalitan po ako ni doc kase hindi daw po pang skin ung (Erythromycin) na pinapahid ko sa rashes ni baby para daw po sa mata un.. Sabi ko kaya pala, Binigay lng po kc sakin ng pinsan ko ung pamahid(Erythromycin) Kase ginamit daw un ng doctor sa baby nya may butlig daw kc sa may bandang mata at di maimulat masyado yung mata. Pero ginagamit din niya kapag may rash at kagat ng lamok ung baby nya at gumagaling naman. Ang pharmacy kase hindi nagbibenta ng ointment kapag wala pang 3months ang baby lalo at walang reseta, nagtanong po kc ako.. Ayoko sana pang dalhin ung baby ko sa doctor kase bukod sa magastos, ayoko ng kada kibot doctor agad, rashes lng naman baka pwede pang madala sa mga home remedy katulad ng gatas ng nanay, maligamgam na tubig or pahiran ng Virgin Coconut Oil pero imbes na gumaling lalo pang nairita hanggang sa namula , nagsugat nlng at nagnana. Saka always po syang basa lumalabas talaga ung nana na parang tubig, kaya lalong nakakabahala. Effective po ung neresetang ointment(Bactreat-B) ni doc, 1 day palang makikita mo agad na natutuyo na ung sugat. Pang 3days na nya ngayon, at unti nlng malapit ng kuminis uli ang skin ni baby.. ❤

Thank you mommies!
 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời