4 months daw
Tanong lang po, sino po sa inyo ang pinakain niyo na si baby at 4 months? Kasi nabanggit ko po nung isang araw sa lip ko na at 6 months kakain na siya. Pero narinig ako ng lola ni lip at ang sabi niya pwede na daw sila kumain at 4 months. Sinabi ko din na yun ang nakalagay sa nanay book ko. Bigla ba namang sinabi sa baby ko "makulit si mama mo ano? Pwede ka na kumain pag 4 months ka na". Grabe lang, hindi naman kasi sila sumasama sa monthly check up ni baby kaya akala nila yung ginagawa nila sa panahon nila is applicable pa din til'now.
Hãy là người đầu tiên trả lời