Stress
Sobrang nadedepress ako iyak ako ng iyak oras oras. Di ko alam gagawin ko. I have a lot of plans sa buhay. And then ngayon buntis ako. 7 weeks. Im 20 years old. Lahat ng pinagaral ng magulang ko tapos ang taas ng expectations nila tapos kilala ang pamilya namin sa lugar namin. And hindi sila nagkulang na pagsabihan ako kaya pumayag sila na mag bf ako kasi may tiwala sila. Tapos ito. Buntis ako. I dont know what to do ??? though okay sa bf ko tanggap nya kahit ani mabgyari pero sarili ko kalaban ko eh ? advice naman po.
Keep the baby. Kasi in the long run, babangungutin ka pangyayaring yan kung naiisipan mong ipalaglag. You should the consequence, think of the positive side, isipin mo masaya ka at gusto mo yan nung ginagawa mo yan sana maging masaya ka din sa resulta, hindi naman kasi lahat ng withdrawal 100% safe eh. Pray always. Kaya mo yan. Mahirap sa ngayon pero malalagpasan mo yan.
Đọc thêmIkaw na mismo nagsabi na di sila nagkulang na pagsabihan ka. In the first place ikaw at ikaw ang may kasalanan niyan kaya hindi ka pwede madepress. Nakakaawa baby mo kung ganyan ka. Wag mo siya idamay kase kahit naging matigas ulo mo blessing ang binigay sayo hindi sakit. Pick yourself up and be strong para sa baby. Wag pairalin ang kagagahan.
Đọc thêmEvery child is a blessing. May reason kung bakit binigay sayo yang batang pinagbubuntis mo. Tsaka di kana bata, marami ka palang pangarap sa buhay bat di mo inisip yun? Before kayo nag sex alam niyo consequence nun. Since andiyan na yan, be mature enough and panindigan mo yan. Di kasalanan ni baby yung nangyayari sa buhay mo. Choice mo yan.
Đọc thêmSame.. Ako fresh grad noon mga 2months palang after nakagraduate. Kaso kasi nagsasama na kami ng bf ko noon kaya di malayo na mabuntis ako kahit di pa naman sana nmin plano. Ganyan din ako nung nalaman ko preggy ako, pero katagalan natanggap ko din nmn na magkka baby na talaga ako. Pray lang sis, kaya mo yan. Sabi na nila, blessing yan ❤
Đọc thêmI am very sure that they are going to accept that blessing. Dedma na lang sa mga chismosa around you. Isipin mo na lang mas marami silang masasabi sayo if you dont keep your baby. Just prove to them na maaga ka man naging isang ina, magiging successful ka pa din in the future. life is not a race sis. Kaya mo yan. Think positive lang. <3
Đọc thêmGod's gift po yan si baby kya embrace the pregnancy stage Family support is the key and open communication sa mga parents mo. Pag gusto po may paraan walang imposible hndi po hindrance ang mabuntis ng maaga As for now ipriority nyo muna ang safe n pg bubuntis mo bwal po kc mastress pag buntis maapektuhan si baby. Pray always 🙏🌻
Đọc thêmSa una lang yan magagalit parents mo, but then wag mong bitawan pangarap mo tsaka pangarap din nang mga magulang mo para sayo.. Ok lang naman yan wala namang mawawala sayo, may dumagdag lang na blessing.. If ok naman LIP mo tas di ka ka iiwan sa eri.. Mas ok yan.. Two is better than one.. Kaya yan pag kakayanin 😁
Đọc thêmSis wag ka na mastress, isipin mo si baby mo, Blessing yan 💕 Lahat naman nangyayari for a reason, and for sure hindi ka pababayaan ng family mo, they might get mad or mabigla sa una pero that little life inside you ang magpapawi lahat ng yun 💕 So wag ka na masyado magisip. Think positive 👍
Hi. What i want to say is just keep the baby. It's a blessing from God. You don't know what will be your future with him/her. Tell it to your family about it, at first they will get disappointed but for sure they will accept it no matter what dahil apo nila yan. Be strong and keep the faith sis! 🤗
ikaw n nagsabi kalaban mo sarili mo, wag masyadong mag overthink iha, focus ka sa baby mo lahat ng plans mo pwede mo png ipag patuloy pag ka panganak mo, hindi naman porket magi2ng nanay kana hihinto na din buhay mo, mas dapat ka ngang magpursige kasi may dagdag inspirasyon ka na.