Ceasarian Section
Sobrang masakit ba talaga kapag ceasarian section lalo na kapag nawala ng ang anesthesia? First time mommy kasi ako eh. Tsaka mahal ba kapag ceasarian? #1stimemom #firstbaby #1stpregnant
Dipende sa pain tolerance ng tao. Cs din ako (bikini cut) mas matagal ang healing process nya kumpara sa classic. Sa akin, hinde naman sya ganon ka sakit. Kaya ko naman yung pain at the same time may meds naman. Inabot ako ng 120k dipende rin sa kondisyon mo at ni baby pati sa ob mo yung magiging cost ng cs mo
Đọc thêmCs mom din po ako. Kakapanganak ko lang nung 12. Sa experience ko naman kaya naman yung pain, minsan lang talaga mahirap tumayo lalo na maglakad. Kasi nakirot talaga. Pero tolerable naman siya. Mas mahal po ang cs compare sa normal delivery. Yung bill ko inabot ng almost 50k less philhealth na yun
ung masakit po mommy kpg nwala na tlga ang anesthesia then hirap mglakad kc prang mbabanat ung tahi. pro ilang days lng skn nging ok nko need lng ng proper linis at alaga. pro pinakamasakit tlga hahaha ung gagastos ka ng malaki nkakabutas bulsa pro kung pra nmn sa baby worth it nrin bsta safe sya.
CS mom po ako and ndi ko masyado naramdaman yung pain 😅 may meds din kasi sila binibigay after mawala effect ng anesthesia. Emergency CS po sakin kasi ndi bumababa si baby, na stuck na sya sa 3-4cm at ayaw namin irisk ang life ni baby. yung bill ko 35k less na po ang philhealth 😊
Alam mo mommy nung nasa labor room ako hindi ako kinakabahan na sinabi sakin na emergency cs ako kahit super prepare ko talaga is normal. Inisip ko nlang na bahala na basta mailabas ko si baby nang safe ok na ako 😉 yung iba kasi super takot or kinakabahan eh talaga sila ako chill lang
Sakin nung july 5, emergency cs kasi bumababa na heart beat ni baby, gising ako nung nacs ako, at yung pagkain ko kinabukasan pa, at hindi naman ganun kasakit kasi may medicine naman at kapag nakalabas may irereseta na gamot. :) at wala akong binayadan kasi may philhealth ako. :)
Nakabase po sa pain tolerance mo yan, di po namin masasabi kung masakit o hindi. Gaya ko po CS pero ok naman after mawala epek ng anesthesia (mga 6-8 hrs) tumayo nako agad unlike ng hipag ko 2 days siya nakahiga. Opo mahal ang CS lalo kung private hospital.
Yes po , for me sobrang sakit ewan ko kung dahiL ba sa mababa lang ung pain tolerance ko .. Sobrang sakit pag tatau ka , parang bubuka na ewan 😅 iLang days bago ako naka tau ng maaus .. And yes mommy mas mahal po ang CS , sakin po kac 80k ung nagastos namin ..
Bawas na po ung phiLhealth sa 80k , wala po akong sss nd po umabot ..
Hindi naman masakit. Mas masakit pa ang labor. As to kung mahal, yes, mas mahal siya. We paid a hefty price sa mmc last feb 2020 but okay na yun, hindi ko na kaya inormal si baby. Addtl premium pa if you opt to have a cs na wala naman medical emergency:/
Nd nman po msakit sa case ko po kc po may antibiotic and pain reliever na inirereseta. 3rd CS ko na po and same feeling pa din po. In terms ng Cesarean, mas mahal po sya compared sa normal. Kya po better na prepared po sa gastusin. 😊
Soon to be a Mom