4 days old newborn

Sobra akomg natatakot hawakan ang baby ko dahil sa sobrang liit nya sobra din akong naninibago sa lahat lagi nalang siyamg tulog at hndi nakakadede agad ayaw nya pa dedehin ang dede ko agad hirap na hirap ako 😭

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. In reality not all mom, attached agad sa anak nila. Nung dinala na anak ko sa room namin, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Titignan ko lang siya, para akong nakatingin sa maliit na stranger na lagi lang tulog at umiiyak. Hindi ko rin halos napapadede baby ko first 2 days dahil ayaw niya rin mag latch sakin, kaya nag formula kami tapos hindi pa consistent sa oras. Pero natauhan ako sa OB ko nung bumisita siya sa room ko, sabi niya "Hindi baby ang may ayaw, nanay ang walang tsaga." Kaya yun talagang pinursue ko magpadede. ANG HIRAP! SOBRANG FRUSTRATING! LALO kapag UMIIYAK PA! NAO-OBERWHELM talaga. May time naiiyak na ako sa hirap. Pero tsinaga ko siya gisingin every 2 hours at padedehen sa dede ko. Every successful latch, para akong nananalo sa Lotto sa tuwa. Hanggang sa eventually EBF na kami. KAYA MO YAN MOMSH! Hindi ka nag-iisa.

Đọc thêm